MY FAVORITE PAGES

Tuesday, November 22, 2011

Senator Chiz Escudero responds courtesy of Abante-Tonite Online


Disbarment
SEN. CHIZ ESCUDERO

Share


Dear Senator Chiz,
Nais ko pong maghain ng disbarment complaint laban sa Clerk of Court ng Supreme Court, sa mga kagalang-galang na mga huwes ng Court of Appeals, mga commissioners ng National Labor Relations Commission, Labor Arbiter at sa abogado ng kumpanya.
Magkano ka­yang halaga ang gagastusin para maharap ang kasong ito?
Maaari ko bang isampa ang kaso habang ako ay nasa ibang bansa? Kung pwede ba magsampa ng disbarment case habang ako ay nasa ibang bansa, paano ang procedure? Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Antonio L. Buensuceso Jr.
Dear Antonio,
Ang halaga ng isang disbarment complaint ay
nakadepende sa kung sino ang kukunin mong
abogado upang magrepresenta sa iyo pati na
mga fi­ling fees.
Mahalagang malaman mo na dahil ilan sa nais
mong sampahan ng kaso ay mga justice ng
Court of Appeals, kailangan mong mag-file ng
verified complaint sa Supreme Court mismo
(Rule 139-B, paragraphs 1 and 2, Rules of Court).
Maaari mong isampa ang kaso through a representative
at kailangan mo munang gumawa ng isang
Special Power of Attorney (SPA) pabor sa
representative mo na nagsasabi na siya ay
authorized na kumatawan sa iyo at magsampa
ng kaso habang nasa ibang bansa ka. Kung ikaw ay nasa
ibang bansa na, dapat consularized itong SPA mo.
Sumasaiyo,
Senator Francis "Chiz" Escudero
Ilakip ang inyong pa­ngalan at address sa inyong
ipadadalang mga katanungan at mga suhes­tyon.
Maaari kayong magpadala ng liham sa tanggapan
ng pahayagang ito sa No. 167 Liberty Bldg.,
Roberto Oca St., Port A­rea, Manila o e-mail sa
saychiz@chizescudero.com. Maaari ring magpadala
ng mensahe sa pamamagitan ng
text: CHIZ <space> mensahe sa 2976.

No comments:

Post a Comment