MY FAVORITE PAGES

Tuesday, August 16, 2016

DUTERTE BOHOL "CALAPENHON MOVEMENT" SHARED PRESIDENT MARCOS VIDEO






Mga bata pa nga kayo kasi ang video na to ay noong unang termino ni Marcos 1965...maganda nga noon ...pero noong 1972 na nagdeklara si Makoy ng Martial Law...isinara ang lahat na istasyon ng TV. Channel 4 lang ng gobyerno ang bukas ..lahat ng istasyon ng radyo isinarado...isang dyaryo lang ang nagbabalita "Daily Express" tapos lahat ng palabas ay papuri kay Makoy...kapag nagcomment ka ng kontra sa Bagong Lipunan ...huhulihin ka at ikukulong...o kaya tulad ng nangyari kay Ariel Ureta na nagsabi noon sa isang programa na ganito "para sa ikauunlad ng bayan bisekleta ang kailangan" ...eh...hinuli siya ng mga pulis ni Marcos "Metrocom"si Ariel Ureta tapos pinagbisekleta sa campo crame nang maghapon..dinadakip ang mga estudyante ng UP nagpapahayag ng kanilang saloobin sa nangyayari sa bansa...tapos ang mga estudyante na yaon ay mawawala na lang na kapag muling natagpuan ay bangkay na o dili kaya ay wala na sa matinong kaisipan dahil sa torture na dinanas nila..meron rin mga babaeng estudyante na sumasama sa mga rally laban sa Martial Law ay hinuhuli at ginagahasa at tinotorture bago sila pakawalan...tapos wala silang mahingan ng tulong para ipaglaban ang kanilang karapatan....kung noon may facebook na..eh tiyak walang internet na papayagan kundi sa kanila lang..maraming tao ang pinahirapan at ikinulong...bumagsak ang ekonomiya hangggang noongAugust 21, 1983 noong barilin si Ninoy sa MIA..mula 7 pesos ang dollar ito ay naging 27 hanggang 30pesos kada dolyar..lalo nag bumagsak ang ating ekonomiya at lalong lumaganap ang paghihirap ng bayan. Lumala lalo ang kahirapan dahil noong 1986 ng tumakas sila sa galit ng mga tao dahil lulusubin na ng mga tao ang malakanyang eh itinakas nila ang maraming yaman ng bayan na hinahabol ng pilipinas ngayon.....tingnan mo ang bilyonbilyong dollar na hinahabol natin na nawala sa kabuhayan natin ...kaya lalong lumaganap ang matinding kahirapan noong panahong bago palang silang nakakatakas at nararamdam parin natin hanggang ngayon...Hindi ko naman nais na ipagtanggol si Pnoy dahil kung anong putik meron si Marcos ay ganoon rin si Pnoy...pareho lang sila...kayong mga bata hindi tama na ngayong kita natin na putikan si Pnoy ay titingnan na nating malinis si Marcos dahil pareho silang putik at may kasalanang dapat panagutan sa bayan....tanging si President Duterte lang ngayon ang may karapatang angkinin ang kalinisan at wag nating ikabit si Marcos kay President Duterte dahil si Marcos ay putik rin na dapat ikahiya ng bayan.


Antonio L. Buensuceso Jr.

No comments:

Post a Comment