MY FAVORITE PAGES

Friday, February 17, 2017

154TH PERSUASIVE APPEAL_TO THE SCP JUSTICES : CORRUPTION AND CHEATING OF SHELL PERMEATE EVEN DOWN TO THE GRASSROOTS LEVEL OF THE MANAGEMENT TEAM









FROM MOTION FOR RECONSIDERATION

DATED 30 OCTOBER 2008

ITEM 9.2 

9.2 Ang aking pong INQUIRY sa nawawalang minutes of CBA negotiations meetings na kung saan pinag-usapan ang paksang pang - economic o pasuweldo ay hindi rin po nabigyang halaga at lubusang pag-aararal ng mga pinagdaanang hukuman.

Na, kung ito po ay nabigyan daan na busisiin, matutunghayan po nila, na itong natapos na CBA ay punong-puno ng hinihinalang anomalya at controversiya, dahil sa bukod sa itinago nila ang minutes tungkol dito ay, inalisan pa nila nang dalawang NON-OFFICER union member na tumatayong bantay o witness sa negotiation. Ang TRANSPARENCY sa gaganaping negotiation ay alam naming mga kasapi sa unyon na KAILANGAN kaya po ninais naming makapag-formulate ng GROUND RULES for the CONDUCT OF NEGOTIATIONS silang mga opisyales ng unyon at management panel. Kasama po rito ang requirement ng MINUTES at dalawang NON-OFFICER union member bilang witness . Ang GROUND RULES pong ito ay hiniling naming mga kasapi sa unyon, naisulat at napagkasunduan at sinunod ng buong husay noong pag-usapan ay non-economic benefits, ngunit noong pag-usapan ang pasueldo, ay nabalutan ito ng hinihinalang kabuktutan at misteryo. Ang kaganapang ito ay nagbunsod ng matinding pagdududa sa kadalisayan, kalinisan ng ginanap na negotiation. Lalo pa nga po, noong makalipas ang isa O dalawang linggo na matapos ang CBA ay pinagkalooban ng SHELL ng isang marangyang piging ang mga opisyal ng unyon sa isang kilalang Hotel sa Makati. Ganoon din po, makalipas ang isa O dalawang buwan, ang dalawa pong mataas na lider ng unyon ay pumunta sa SINGAPORE at sa THAILAND na company sponsored trip, sinabi po nilang seminar o training. Marami pong lalo ang naghihinala sa mga misteryong nakapaloob dito at sila ay nagsimulang magsiyasat at magtanong-tanong at ang pormal na INQUIRY ay sinimulan ko. Dapat sana ay natuklasan ang dahilan kung bakit na kung kailan na mayroong INQUIRY o pagsisiyasat sa maaring pandaraya o kabuktutan naganap sa nakatapos na CBA negotiations, kung kailan naman ako tinanggal sa trabaho. Hindi kaya nais lamang ng kumpanya na matigil na itong pagsisiyasat sa dahilang baka matuklasan ang kanilang mga pagkakasala at natakot sa kanilang pananagutan kapag ang mga iyon ay napatunayan.
At upang mahinto ang INQUIRY ay naisip nilang tangalin ako. Sinibak nga nila ako.



ATTENTION



SENATOR RICHARD "DICK" GORDON
CHAIRMAN
Accountability of Public Officers & Investigations (Blue Ribbon)

HOUSE OF REPRESENTATIVES
COMMITTEE ON JUSTICE CHAIRMAN


GENERAL RONALD DELA ROSA
PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF




No comments:

Post a Comment