LEE Magandang araw...Una Lee...mali na bigyang parangal natin si BBM sa resulta na achievement ni Pres Duterte...ito ay tinatawag sa wikang Ingles na malinaw na credit grabbing. Si Pres Duterte mismo ang nagpahiwatig sa mga Pilipino na bakit yan iboboto...dahil walang nagawa...weak leader....only child ...spoiled brat...cocaine addict...sumasakay sa eroplano para dun gumamit kaya di nya sya nahuhuli...daming bagahe...daming kaso...anong gagawin nyan sa Malakanyang ...presohan. Hindi lang yan idinagdag pa nya na kung iboboto nyo yan ...eh bahala kayo kung pagnakawan ulit kayo nyan kung iboboto pa nyo yan...Masakit po yun kay Pres Duterte na yun kanyang proyekto sa Davao ay mapunta kay BBM ang kredito at gamitin ito sa eleksyong gaganapin sa Mayo. Pangalawa, ay ang ating bigyan ng mainam na pagsisiyasat ang paksang Komunismo o Komunista. Baliktanaw tayo sa nasulat na kasaysayan ng Pilipinas. Simula natin noong pagkatapos ng second world war na kahit na nagwakas na ang digmaan ay patuloy pa ring nakipaglaban ang Hukbahap na imbes na ang mga Hapones ang kalaban ay naging pamahalaan na ng Pilipinas dahilan din sa kahirapan at di makatarungang pagtrato ng mga nagmamay ari ng lupaing sakahan laban sa mga magsasaka. Nag tuloy tuloy an kilusan ng mga Huk, 1946-1948 panunungkulan ni Pres Roxas, 1948- 1953 Pres Quirno at nagwakas sa panunungkulan ni Pres Magsaysay , 1953 1957. Nagpatuloy itong pananahimik ng mga Huk o armadong kilusan laban sa pamahalaan sa panunungkulan nina Pres Garcia at Diosdado Macapagal. Sa mga panahong iyon ang Pilipinas ay nakakasabay kundi man nangunguna sa kaunlaran kumpara sa mga bansa ng Southeast Asia. Ngunit, sana ay naging tuloy tuloy itong progresong ito kundi ibinalik uli ang paghihirap sa kanyang sa kanyang mamamayan sa pamamagitan ng intensyonal na pag gawa ng labis labis na utang para panustos sa ilang pagawaing bayan na ang malaking bahagi ng pagkakautang ay napatunayan na sa mga kasong isinampa laban kay Pres Marcos na lihim nang naitatago para sa kanyang sarili sa mga banko sa ibang bansa kasama dito ang Amerika at Switzerland. Sinadya mismo ni Pres Marcos na pagnakawan ang pondo ng Pilipinas upang maubos ang pananalapi na pansagot sa mga pangunahing panganga ilangan ng mga tao...At tulad sa inaasahan ni Pres Marcos na resulta ng malawakang kahirapan ay ang pagkagalit ng mga mamamayan na hahanap ang mga tao ng maaari nilang sandigan sa nararanasan nilang kagipipitan. Bumalik sa kanila ang karanasan noong panahon ng mga Hapones na ang taga pagtanggol nila laban sa pang aapi ng mga Hapones. Dahil nga sa kahirapang kinsadlakan ng mga tao dahil muling nabuhay ang pangangailangan na grupo na magtatawid sa kanila sa kahirapan at injustice na nararanasan nila. Yang pangyayari na yan ang sadyang ninais ni Pres Marcos na mangyari upang maka pag deklara si Pres Marcos ng Batas Militar....Sinabi niya na meron communist insurgency at kailangang iligtas ang Pilipinas sa Komunismo at yun ang sinabi nyang dahilan kaya siya ay nag deklara ng Martial Law. Sa pamamagitan nito legal niyang naisarado ang mga malayang pahayagan, radyo at telebisyon, nag karoon ng censorship ang media, naipakulong ang mga oposisyon sa kanyang pagbibintang na sila ay mga komunista kahit di naman totoo. Dahil sa nakakulong na ang kanyang mga kritiko, sarado ang mga media outlet na magbabalita ng mga aliwas was ng gobyerno...wala magbabalita ng mga pangyayari sa pamahalaan na sasabihing tahimik dahilan sa walang magbabalita ng kaguluhan. Walang nakahalata na habang Martial Law ay dyan sa pagkakataong yan nilimas ni Pres Marcos ang kaban ng bayan. Inagaw ni Pres Marcos ang pagmimina ng ginto pagbibili nito at pag iimbak na nagdulot ng pagkawala ng $75 million worth of gold sa Philippine treasury. Kasabay ng pag agaw niya ng mga pribadong kompanya at pagtatalaga nito sa kanyang mga cronies humawak ng industriya ng pag trotroso kay Enrile, ng niyog na napunta kay Danding Cojuanco, saging kay Floriendo, PNB kay Benedicto, Lucio Tan, Fortune Tobacco Corp, Velasco , Net worth 5.4 billion dollars to 50 million dollars in 1986, at marami pang iba...Nagawa nilang umutang para sa kanikanilang negosyo na nakagarantiya ay ang gobyerno ng Pilipinas na hindi nila binayaran at hanggang ngayon ay samasama nating binabayaran na silang mga alipores lang ang nakinabang. Yan po ang dahilan ng ating kahirapan. At itoy tuloy tuloy pang naganap sa mga sumunod na administrasyon na hindi rin lubusang napawi ng EDSA REVOLT nang mga sumunod na pangulo na nag balatkayong dilawan, mula kay Pres Ramos hangggang kay Pnoy. Kanya kanyang administrasyon kanya kanyang iskandalo at kasama rin dito ang panunungkulan ng Pamilya Marcos na tatlong miyembro nila pati Enrile at Honassan ERAP, GLORIA ay kasama rin sa pamahalaang nagpahirap at isinusuka na natin. Balikan natin ang Martial Law ni Marcos hayag na dahilan para raw labanan ang NPA. Ang lihim na dahilan ni Marcos ang pagnakawan ang kaban ng bayan... Nalutas baga ng Martial Law ang problema sa NPA. HINDI. Nakulimbat baga ang ang pondo ng bayan. Sakto. Martial Law Regime Golden Years ... FALSE ......DITO NAGANAP YUNG PAGNANAKAW NG GINTONG YAMAN NG PILIPINAS ... Marcos-Era Gold Reported Missing : Philippines Tracing Flow of Millions in Bullion, Cash and Illegal Profits |
MY FAVORITE PAGES
▼



No comments:
Post a Comment