MAALAALA MO KAYA
Dear Charo,
Para sa pinakamamahal kong Tia Nene.
Sa buhay ng tao may mga pagkakataon na tayo ay kailangan na pumili ng nang mga bagay na haharapin natin at mga bagay na tatalikdan. At tulad ng mga kababayan natin na nangibang bansa...sila tulad ko sa pagsuong nila sa hamon ng pag hanap ng magandang kapalaran sa ibang bayan eh naranasan na rin nila ang bigat ng kalooban sa paglisan lalo at higit sa pagkakataong ang taong aalis ay may iiwan mahal sa buhay na nasa malubhang karamdaman.....
Marso 2008...takdang paglipad namin mag asawa at bunsong anak tungong Amerika.......umalis kami iwan ang aming dalawang anak na dalaga at isang apo at ang aking ina-inahan na may malubhang kapansanan sa balakang...siya si Tia Nene at ang kuento ng buhay niya ang ilalahad ko sa iyo ngayon.....
Dear Charo,
Salamat sa mga pagkakataong ipinagkaloob ng Panginoon na magkaroon kami ng pagkakataong magkakilala...magkasama..maging bahagi ng buhay ng isat-isa... pagkakataon na naranasan ko ang pagkakaroon ng dalawang tatawaging aking ina...dalawang ina na nagbuhos ng pagmamahal, pag-aaruga, pag gabay at pag-unawa, higit noong aking kamusmusan.
Dear Charo,
Malapit sa akin si Tia Nene sa dahilang sa aming walong magkakapatid ay ako ang nagkaroon kaagad ng kasunod sa loob ng isang taon at isang buwan, isang dahilan na kapag ako ay may pangangailangan bilang bata ay si Tia Nene na ang tumutugon dahil sa ang aking ina ay ang abala na sa mas nakababatang anak na sumunod sa akin.
Naala-ala ko pa na kapag ako ay matutulog ay di ako makatulog ng hindi ko katabi si Tia Nene. Tatawagin ko siya habang siya ay nasa silong at nananahi..ramdam kong hihinto ang makina at dinig ko ang mga yabag ng hakbang niya patungo sa aking tabi...nandyan nasiya.. himbing naman ako agad .. maaring pagkatulog ko ay muli nyang itutuloy ang kanyang pananahi ...yun di ko na alam.
Ngunit ang aking higit na natatandaan ay kapag ako ay may sakit o lagnat: pupunasan nya ako at lalagyan ang aking noo ng kapirasong katsa na basa ng suka ..at paiinumin ng medicol o kaya cortal at babantayan na nya ako hanggang ako ay tuluyan nang gumaling... kapag naman ako ay papasok sa Central (school) ay siya ang nagpapaligo at nagbibihis sa akin at naghahanda ng pagkain at gamit sa pagpasok... at pagkadating ko naman eh sya ang magpapalit ng aking damit na basa ng pawis at bibihisan naman ako ng pambahay at panlaro.
Magtatapos ang dekada 50 noong natatandaan kong isinama ako ni Tia Nene sa bulubundukin ng Baguilawa, akay akay nya ako tungo sa paradahan ng dyip patungong Baguilawa ..yun na siguro ang huling biyahe dahilang hapon na, palubog na ang araw at konti na lang ang mga tao sa palengke... punong puno ang dyip ng pasahero,ng sako.. sako ng bigas, pakain sa baboy...
patuka..gaas...mga kung ano-anong bagay na pinamalengke... basta alam ko nakatayo ako sa loob ng dyip sa harapan ni Tia Nene ... nakakapit ako sa hawakan na nasa likod ng driver na nakaupong patagilid upang mapagkasya ang may ilang tao sa harapan ..bukod pa ang ilang pasahero na nakaupo sa ibabaw ng hood... ganoon pa man ang karga ng dyip ay nakakatakbo pa rin ito..tanda ko rin ang pangalan ng dyip.. TITA-ME.
No comments:
Post a Comment