Leonardo Ramos May 17, 2013
Panawagan muli sa ahensiya ng TDRO: Ang ilan sa mga naninirahan at residente ng Brgy Tinga Labac ay Driver at operator ng Biyaheng Alangilan-Batangas, o Balagtas-Batangas.....datapwat sa tuwing sila ay may sakay na pasahero na mula sa Brgy Tinga Labac ay ibinababa o "unload" nila ang pasahero kanto ng Balagtas, malapit sa SM hypermart sa dahilang sila ay hinuhuli ng TDRO...ayon sa apprehending TDRO sila ay sumusunod lang sa "batas" at "utos".....sukdulang anak o kamag anak ang pasahero ay walang pakonsensiya na pinagbabawalang nakasakay sa jeep ....Kesyo ang "ROUTE" o ruta daw nila ay Balagtas o Alangilan.....wala silang pakundangan na ang nasabing Jeep ay nagmula sa garahe o mula sa bahay ng driver na taga Brgy Tinga Labac...basta kailangan na ang mga taga Tinga Labac ay sa biyaheng soro soro o mula sa jeep na galing Rosario lamang dapat sumakay....e kapag dumadaan na ang mga biyahe na eto ay puno na....sana ay madinig eto ng taga TDRO na mapag isip isip nila ang batas na ipinatutupad nila.....malapit na naman ang pasukan at ang mga kawawang pasahero o estudyante ang nahihirapan.....eto ba ay bahagi ng tinatawag nating "Lingkod Bayan"???? paki kalat lang po, baka sakaling madinig o mabasa nila...
The TRUTH will set you FREE.