shared from
Sa isa namang lumaganap sa internet, ayon daw sa popular na segment ni Letterman, narito ang “top ten reasons why there couldn’t be a Filipino American US President:”
“10. The White House is not big enough for in-laws and extended relatives.
9. There are not enough parking spaces at the White House for 2 Honda Civics, 2 Toyota Land Cruisers, 3 Toyota Corollas, a Mercedes Benz, a BMW, and an MPV (My Pinoy Van).
8. Dignitaries generally are intimidated by eating with their fingers at State dinners.
7. There are too many dining rooms in the White House—where will they put the picture of the Last Supper?
6. The White House walls are not big enough to hold a pair of giant wooden spoon and fork.
5. Secret Service staff won’t respond to “psst… psst” or “hoy hoy hoy!”
4. Secret Service staff will not be comfortable driving the presidential car with a Holy Rosary hanging on the rear view mirror, or the statue of the Santo NiƱo on the dashboard.
3. No budget allocation to purchase a karaoke music-machine for every room in the White House.
2. State dinners do not allow “Take Home”.
The top reason why there couldn’t be a Filipino-American US President is…
1. Air Force One does not allow overweight Balikbayan boxes!”
Sa pamamagitan ng viral rants, madaling maipalaganap ang hinanaing hinggil sa isang mamamayan at bansa. Madali rin itong mapulisya. May katotohanan kahit hindi exakto; may pagkaexakto dahil may katotohanan.
Kapag umanggas ng laban sa bansa, racist. At ang buong kasaysayan ng bansa ay hinihimok para ang tukoy na kaaway ay maging pambansang kaaway. Ang problema, hindi tulad kay Danes at ang nauna sa kanya, instantenyo ang pagkaalam ng inaping mamamayan at bansa dahil sa may viral na pruweba ng panlalait, pandudusta, at pang-aapi.
Na-ban pa si Danes sa syudad ng Manila, dineklarang persona non grata. Ang pagkakamali ng referensya ni Kitsch naman ay naalok pa siya ng libreng biyahe sa bansa para maiwasto raw ang impresyon. Bakit gumaan ang parusa sa kolektibong kaapihan ng mga racist? At sa kaso ni Sieczka, mga diskusyon sa internet, pati na rin ang maraming nagsasaad ng “kapatawaran.”
Ang viral rant ay ampaw na pananalita sa internet. Walang laman dahil walang pwersa ng materialidad, lumalabas na imahinaryo lang ng walang magawa. Kaya roon nagsimula at nagtatapos. Para magkaroon ito ng politikal na pagtuligsa, kailangang ibuyanyang ito sa antas ng tunay (real): ang sinasaad naman, at least ng video rant ni Sieczka, ay ang failure of governance. Estado ang accountable, at ang kulang sa rant ay ang pag-ugnay sa Philippines equals kanyang estado.
Kaya kung magre-rage against the dying of the light sa video, tiyakin namang masinop ang politikal na pagsusuring magtutukoy sa kultural na accountability. Na tayong mamamayan at bansa ay dinudusta at hindi umaalagwa sa nakakadaot na stereotipo dahil sa estadong nagsadlak sa ating kolektibong kapalaran.
Unang nailathala sa Lipunan+Kasaysayan+Pagkatao kolum noong ika-20 ng Marso, 2012, Pinoyweekly.org.
The TRUTH will set you FREE.