In these times that our nation is beset in the midst of stinks of the rotten systems in society and government laden with events shrouded by monstrous corruption and greed, which sometime in the past, I do not truly believed ever happening in our country, until some movements in time, after the bitter experiences imparted to me by the leaders of Shell and the union in those particular time and likewise by the lower courts which became the avenue where which this case passed through, I came to a realization that the monster which I have mentioned is real and looks like moving closer to devour me. It is moving while the last ticks of my hope is coming to an end and zooming quick into oblivion and the last nail for the coffin where which the truth and justice been laid to rest; truth and justice which I have cherished and fought for in a long time is aimed and ready to be pegged.
Honorable Chief Justice, the Judges, who mould the Monument of Justice of our great nation, enshrined and adorned by the sweat, tears and blood of people who heroically stand and befallen in the name of justice, for the sake of our country, I am pleading with my head bowed to ground in humility; please forgive my minute technical inadequacy, instead focus yourselves, first on the struggle of my family to fight for my rights and second, to the the truths that cause this petition to exist.
At this point, my tears are oozing out of my eyelids, droplets of which while falling on my chest upon my heart, I earnestly pray to God that these tears serve to wash all the mud slung by monstrous greed and corruption. So be it, that these tears shower and give some nourishment to some plants in the Garden of Justice desiccated and devastated by monstrous greed and corruption. I would like to remind you that the coffin with which they like to peg the last nail on contained in it not dead but live truths. Truths that are struggling to shout justice which is in this point is gagged by the people who can read and hear but never understand and pretentiously deaf; adroit but voluntary ignorant.
My plea Your Honors, is let us save the truth. I earnestly plea for the review of this case which is profusely laden with voluminous truths and merits. In closing, Chief Justice, You Honors, with all due respect, may I share to you words from the Holy Bible, John 8:31 to 32: To the Jews who believed Him, Jesus said, " If you hold on to my teaching, you are really my disciples, then you will know the truth and the truth will set you free." The truth will set us free, we have no doubts about it, but if the truth is the one gagged and tied how can she set us free? If she is the one jailed, how can she set us free? My plea is let us untie and set her free. Let us save the truth for me, for my family, for the pitiful employees of Shell, for the labor sector, for our beloved country, and for God Almighty!
Excerpted from the MOTION FOR RECONSIDERATION ORIGINAL WRITTEN IN PILIPINO DATED OCTOBER 30, 2008 ADDRESSED TO HON.CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO ITEM NUMBER 12 OF THE MOTION FOR RECONSIDERATION WHICH MERIT HAD BEEN DECIDED BY THE CLERK OF COURT, "JUSTICE" ENRIQUETTA VIDAL.
October 30, 2008
Hon. Reynato Puno
Chief Justice
Supreme Court of the Philippines
Manila
12. Sa panahon po ngayong nagugumon ang ating bayan sa umaalingasaw na kabulukan sa mga sistema ng lipunan at pamahalaan, tigmak sa mga kaganapang nalalampungan ng dambuhalang korupsyon at kabuktutan, na noong bandang nakaraan ay hindi ko lubos na paniwalaan na tunay na nagaganap sa ating bayan, hanggang sa unti-unting pag-usad ng panahon, pagkatapos sa aking mapait na karanasan na dinanas ko sa mga pinuno ng kumpanya at ng aming unyon noong panahong iyon at maging sa mga pinagdaanang hukuman ng asuntong ito ay napagtanto ko na ang dambuhalang nabanggit ko ay mukhangkumikilos upang lapain ako; kumikilos habang ang natitirang huling pintig ng aking pag-asa ay tuluyan nang maglaho at ang huling pako para sa kabaong na pinag-silidan ng katotohanan at katarungan na matagal ko nang inasam-asam at ipinaglaban ay nakaambang itusok na. Opo, Kagalang-galang na Chief Justice, Your Honors, nakaambang itutusok na. Kagalang-galang na Chief Justice, mga Huwes na bumubuo sa Bantayog ng Katarungan ng ating dakilang bayang Pilipinas, na pinagbuwisan ng pawis, luha at dugo ng mga taong nagpakabayaning tumayo at nahandusay sa ngalan ng katarungan, sa kapakanan ng ating bayan, ang pagpapakumbaba pong paki-usap ko : Pagpaumanhinan na po ninyo ang aking munting pagkukulang at sa halip ay malasin ninyo, una, ang pagsusumikap ng aming buong mag-anak na ipaglaban ang aking karapatan sa abot ng aming makakayanan, sa kabila ng mga balakid at ikalawa, ang mga katotohanang naging sanhi ng petisyong ito. Minamahal kong Chief Justice, ngayong pagkakataong ito ay bumubukal sa ngilid ng aking mga mata ang butil butil na luha na habang pumapatak sa aking dibdib tapat ng aking puso ay nasambit ko ang dalangin sa Diyos na Makapangyarihan na sana ang mga luhang ito ay magsilbing panghugas sa mga limatik na nalikha ng dambuhalang korupsyon at kabuktutan. Naway ang mga luhang ito ay maging pandilig at magbigay buhay muli sa ilang mga halaman sa Hardin ng Katarungan na tinuyot, sinalanta ng tampalasang dambuhalang korupsyon at kabuktutan.
Minamahal na Chief Justice at Kagalanggalang na mga Hukum, muli po ang aking paala-ala, ang kabaong na nais nilang lagyan ng huling pako at ilagak sa kailaliman ng lupa ay naglalaman ng HINDI PATAY kundi BUHAY na mga KATOTOHANAN. Mga KATOTOHANAN na nagpupumilit sumigaw ng katarungan na sa kasalukuyan ay nabusalan ng mga taong marunong bumasa at nakaririnig, ngunit hindi nakakaunawa at nagbibingibingihan; mga dalubhasa, ngunit nagmamaang-maangan.Ang samo ko po, iligtas po natin ang KATOTOHANAN.
Kagalagalang na Chief Justice at Kapitapitagang mga Huwes ng First Division ng Supreme Court Sana po naman ay pagbigyan ninyo ang aking mga hinaing. Sana po ay muli pong mapag-aralan ang asuntong ito na busog sa katotohanan at merito.
Bilang pangwakas, Mahal na Chief Justice, Your Honors, mangyari pong ibahagi ko sa inyo ang ilang aral mula sa po sa Holy Bible, JOHN 8:31 to 32 :
31 To the Jews who had believed Him, Jesus said, " If you hold on to my teaching, you are really my disciples. 32 Then you will know the truth, and the truth will set you free."Tunay po, ang katotohanan, TRUTH, ang magpapalaya sa atin, wala pong pagdududa tayo roon, NGUNIT , kung ang KATOTOHANAN ang siyang may busal at nakagapos, paano pa kaya tayong mapapalaya nito? Kung siya po ang siyang bilanggo, sino pa pong magpapalaya sa atin? Ang samo ko po ay, tanggalin po natin ang kanyang gapos at siya palayain. Iligtas po natin ang KATOTOHANAN, para po sa akin, sa aming mag-anak, sa mga kawawang kawani ng SHELL, sa mga manggagawa, sa INANG BAYAN NATING PILIPINAS at higit sa lahat, alang-alang sa DIYOS NA PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.
The following Justices of
the Supreme Court of the
Philippines are DEEMED provided
with copy of this "10TH PERSUASIVE APPEAL
_SHELL CATARACT" through
Atty. Theodore Te's PIO
e-mail address on
January 6, 2016
and prayers for corrective administrative
and/or judicial and/or disciplinary actions
be instituted in due time.
SHELL INSATIABLE GREED
Royal Dutch Shell plc .com
News and information on Royal Dutch Shell Plc.
The TRUTH will set you FREE.
News and information on Royal Dutch Shell Plc.
No comments:
Post a Comment