The TRUTH will set you FREE.
dear Sen. Chiz,
greetings pong muli... mabuhay po tayo...
Ang kapangyarihan pong na assumption of jurisdiction sa labor dispute sa Kalihim ng Paggawa ay labis pong naglulubog sa mga mangagawa sa lusak ng pagkaalipin at paghihirap at kawalang pag-asa. Buti po sana ay kapag nag-utos ang kalihim ng assumption of jurisdiction ay aksyunan niya ito sa isang takdang panahon. Yun po ang masama, kanya pong kukunin ang jurisdiction sa paghahatol sa labor dispute at pagkatapos ay uupuan na lang niya ito. Nararapat po ay bigyan na nararapat na sanction o kaparusahan ang kalihim kapag hindi niya nadesisyunan sa loob ng takdang panahon kasama na rito ang muling pagbabalik ng karapatan sa mga manggagawa na ipagpatuloy ang bantang pag-aaklas. Dito po sa kaso ng TASREA (Tabangao She ll Refinery Employees Association ) laban sa Shell Management, taon po ang nakakalipas ngunit wala pa pong desisyon na inilalabas ang kalihim. Nangyayari pong sa paraang ito tinutulungan ng kalihim ang Shell Management o alin mang kumpanya upang supilin ang karapatan ng mga kawani sa patas na pasueldo. Sa batas na ito ay inilagak natin ang mga manggawa na magtrabaho labag sa kanilang kagustuhan habang ang management naman ay tagumpay sa kanilang nais na wage increase moratorium habang inuupuan ng kalihim ang kaso. Habang tumatagal upuan lalong lumalaki ang pakinabang ng SHELL o ng kumpanya. Sa laki po ng nagiging pakinabang na iyon ng SHELL o alin mang kumpanya, mas mura pong bilhin ang tulong ng kalihim kaysa magbigay ng tumpak na umento sa paggawa. Hindi po malayung isipin na may buong matamis na ugnayan na sa pagitan ng kalihim at ng SHELL o alin mang kumpanya. Hindi rin mahirap isipin na may mayroong dalawang nakahandang desisyon ang kalihim : isang patas base sa katotohanan at isa naman base sa kabuktutan. Kapag ang kumpanya hindi gumawa ng matamis na ugnayan.. mapait na hatol ang kanyang makakamtan. Bakit naman nanaisin ng kumpanya ang hatol hango sa katotohanan ... gayon namang merong mabibiling mas mura na hatol hango sa kabuktutan?

No comments:
Post a Comment