Hindi man nag-utos hindi nagsalita,
Agad na dinumog ng mga alaga, Ang nangag-iingay na gala na tuta, Ang nambubulahaw agad na sinlla.
Iisa ang panig ng mga senadog --
Sa nagpapakain at nagpapatulog, Tila natatali ang dila at itlog, Sa sinong sa kanla’y siyang bumubusog.
Mahuhulaan mo ang tunog ng kahol,
Sa kulay ng kolyar sa leeg ay buhol, Ang asong pagala’y siyang tagamaktol, Ang asong alaga ay tagapagtanggol.
Sino ang sa bayan ay mangangalaga,
Sinong sa totoo’y mangag-aaruga, Ang mga senadog mabuti pa’y wala, Kapag ang iiral ay pagkamasiba.
Ang mga senadog sa baya’y pahirap,
Sa kulay ng kolyar doon sila tapat, Sa bawat pagkahol bibig bumumukas, Kung kanino panig iyong natitiyak?
Nang nagsisihingi na sila’y ihalal,
Tanging ang bayan daw ang kanilang mahal, Ngayon na sumalang sa tahip at bithay, Ang binlid sa bigas ay humihiwalay.
Di ba dapat sila’y malaya ang isip,
Na ang bayan lamang ang tinatangkilik?
Bakit kung magpasya’t at hingan ng panig, Hindi lumilihis sa partidong guhit? ## |
Mga asong bantay nagising na bigla,
At sa kan'lang amo unang tumingala,
Tila nagtatanong ng ipagagawa.
No comments:
Post a Comment