SEN. FRANCIS ESCUDERO:
EXPLANATION OF 'GUILTY' VOTE
29-May-12, 8:53 PM | by Sen. Francis Escudero
It is written… Do not judge lest you be judged, for the measure you measure with will be measured
back to you. (Matthew 7:1-2)
While I do not approve of the manner and way which the House of Representatives initiated, proceeded and handled this impeachment, when they filed the complaint for impeachment before the Senate, the House, in the
exercise of its wisdom, determined that non-declaration in one's SALN is an impeachable offense.
Ibig sabihin nito, mula ngayon, pwedeng nang tanggalin sa pwesto ang punong mahistrado pati na rin ang pangulo at ikalawang pangulo at iba pang impeachable officers kapag meron silang di dineklara sa kanilang SALN.
Matapos aminin ni Chief Justice Corona na mayroon siyang $2.4M at P80M na hindi niya dineklara sa kanyang SALN, naging simple na lamang po ang kailangan naming pagpasyahan… Ito po ay: HINDI NGA BA ITO KELANGAN IDEKLARA DAHIL SA R.A. 6426 o FCDU LAW?
Kung sasang ayon kami sa posisyong ito ni Chief Justice Corona, dapat namin siyang ipawalang sala at kung hindi naman, ay dapat mag-gawad kami ng hatol laban sa
kanya.
Ikinalulungkot ko na di ko po masasang-ayunan ang posisyong ito ni Chief Justice Corona.
Para sa akin, maliwanag ang mga batas natin at di ito nagbabanggaan.
Ang pinagbabawalan ng FCDU law na mag-release ng impormasyon ukol sa dollar deposits ay ANG MGA BANKO AT DI ANG DEPOSITOR.
Samantala, ang KONSTITUSYON at R.A. 6713, pinag-uutos na ideklara ng lahat ng opisyal ng pamahalaan ang LAHAT NG KANILANG YAMAN AT PAGKAKAUTANG.
Kung ayaw mo ito ideklara, eh di huwag kang tumakbo para sa, o tumanggap ng anumang, pwesto sa pamahalaan. Subalit kung ikaw ay nasa pamahalaan, kelangan mo itong ideklara.
Dahil dito, mabigat man sa aking kalooban, kailangan kong mag-gawad ng hatol laban
kay Chief Justice Corona.
Maging ganoon pa man, nais ko pong batiin muli si Chief Justice Corona dahil, sa kasaysayan ng bansa, siya ang kauna-unahang opisyal ng pamahalaan na nag-execute ng waiver para buksan ang anumang deposito nya sa banko.
Sana siya at ang kasong ito ang magsilbing hudyat ng isang bagong simula sa ating bansa.
Isang bagong simula kung saan di na pwede ang
dating gawi! Panahon na para itaas natin ang pamantayan ng mga naninilbihan sa pamahalaan!
At dapat pantay nating ipatupad ito di lamang sa kanya kundi sa ating lahat!
Kahapon, i-sinumite ko sa Senado, pabor sa Ombudsman ang aking waiver upang ilakip sa aking SALN at hinihimok at hinahamon ko ang mga kasamahan ko sa Senado at sa Kongreso na gawin din ito at ipasa natin, sa lalong madaling panahon, ang ini-akda kong Senate Bill 107 na naglalayon na i-require ito sa lahat ng naninilbihan sa pamahalaan.
Tulad ng sinabi ko sa aking pambungad na salita, ano man ang panukat na ginamit natin sa pag-husga, siya ring panukat na dapat nating gamitin sa ating mga sarili.
Ika nga ni Cong. Farinas, kung di natin pinapalusot si Chief Justice Corona, wag din tayong magpa lusot!
Ito'y hinihiling ko para magkaroon ng saysay, kahulugan at positibong kinahinatnan ang
kalbaryong dinaanan ni Chief Justice Corona, ng kanyang pamilya at ng ating bansa bunsod ng impeachment proceeding na ito.
Dalangin ko po na sana agad na magsimula ang paghilum ng pait, sugat at pagkakawatak-
watak ng ating bansa. Sana naman, pagkatapos nito ay tama na!
Let us move on and move forward.
Pag-tuunan na natin ng pansin ang mahahalagang problema sa ating bansa na may kinalaman sa ating ekonomiya at paglagay ng pagkain sa bawat lamesa.
Ano man ang maging hatol ng hukumang ito, I wish you and your family well Mr. Chief
Justice.
Nawa'y gumaling kayo mula sa inyong karamdaman at patnubayan nawa kayo, at tayong
lahat, ng Diyos.