The TRUTH will set you FREE.
dear Sen. Chiz,
mga pagbati pong muli...mabuhay po tayo....
Ang assumption of jurisdiction po ng secretary of labor na bukod sa kakatwang tyempo nito (una pang ibigay kaysa noong hilingin ito) ay hungkag sa wastong pag-aaral. Nararapat lamang ay binalikan ng butihing kalihim ang mga naging kaganapan noong nagdaang dalawang strike na naganap sa SHELL REFINERY noong dekada otsenta.
Unahin natin noong pamunuan ni Dort Manalo, may isang buwan din na nag-aklas ang TASREA ngunit sa ganoong kahabang panahon ay hindi nahinto ang operasyon ng SHELL REFINERY. Tuloy tuloy ang dating ng krudo (raw material na i-proproceso) at tuloy walang hinto ang operasyon ng planta at tuloy rin ang paglabas ng produkto sa lahat ng customers nito.
Pangalawa. noong pamunuan ni Cesar Alcaraz, ganoon rin may isang buwan ring nag-strike ang unyon ngunit muli sa ganoong kahabang panahon ay nanatiling tumakbo ang operasyon ng SHELL REFINERY at patuloy na nakapag supply ng produkto sa kanyang mga consumer ang kumpanya.
Ang dahilan kung bakit kaya ng SHELL na gampanan ang kanyang commitment sa kanyang mga consumers ay kakaramput lang dami ng mga kawaning manggagawa sa SHELL na kasapi ng TASREA. Sa bilang naming humigit kumulang sa 110 kasapi na nag-aklas kumpara kabuuang higit sa isang libo na naglingkod sa SHELL, pinagsama-samang managerial, supervisors, contractors, operator trainees, retirees, pipeline operators from FPIC, sa loob at labas ng SHELL REFINERY na patuloy ring naglingkod habang may strike ay matagumpay nilang napunuan ang kakulangang dulot naming humigit kumulang na 110 miyembro ng TASREA.
Nakita at batid na namin na kahit na kami ay mag-welga ay patuloy pa rin matutugunan ang pangangailangan ng mga consumer at hindi kailanman na ang strike ng TASREA ay naging banta o magiging banta sa national interest.Napipilitan lang kaming magwelga para ipaalam ang aming mga hinaing at hindi para pinsalain ang operasyon ng refinery.
Noong panahon ng strike binahagi po namin sa apat na grupo ang lahat ng kasapi ng unyon. Isang grupo sa umaga, isang grupo sa hapon, isang grupo sa gabi at isang grupo ang nakapahinga. Sa madaling salita ay may mga 25 katao ang kabuuan ng isang grupo na magbabantay sa pitong gate ng refinery kaya magkatatlo o minsan magkaapat lang ang nakapag babantay sa bawat gate at ang tatlong jetty (pier daungan ng mga crude, refined products at LPG shipping vessels) hindi na po namin kayang bantayan at dyan po malayang nakakalabas pasok ang mga kawaning patuloy na nagtratrabaho sa loob ng refinery.
Tuloy po ang dating ng barkong may lulang krudo tuloy din po ang mga barko na nagkakarga naman ng produkto. Ang tanging napigil namin ay ang pagkakarga sa trak mula sa depot sa loob ng refinery subalit nagagawa rin nilang kargahan ang mga trak na iyon sa Pandacan Depot dahil sa ang pipeline mula Tabangao hanggang sa Pandacan ay tuloy-tuloy rin ang operasyon. Ganoon din po ang operasyon ng black oil(fuel oil) pipeline, tuloy-tuloy po ang operasyon kaya ang langis na pang gatong sa mga industriya ay lubusang nakarating sa mga kinauukulang gumagamit nito. Dagdag pa rito ang katotohanang hindi lang ang SHELL ang gumagawa at nagbabahagi ng naturang mga produkto. Nariyan ang PETRON, CALTEX, at iba pang independent distributors na makukunan ng nasabing mga produkto. Samakatuwid maliwanag nating makikita na kahit na nagwelga sa dalawang pagkakataon ang TASREA ay hindi kahit minsan naparalisa ng welga ang operasyon o ang pagkukulang sa pamilihan ng mga naturang produkto. Kaya ang welga ng TASREA ay hindi threat sa national interest.
Ang sinasabi ng kalihim kaya niya ginamit ang kanyang kapangyarihang assumption of jurisdiction sa labor dispute ng SHELL management at TASREA ay dahilang ang strike ay threat sa national interest ay isang kathang isip lang na hindi batay sa aktual na pangyayari at karanasan.
Ginagamit lang na dahilan ang national interest upang magamit ang kapangyarihan na assumption of jurisdiction upang pigilan ang ligitimong paghingi namin ng kaukulangang kita para sa aming pangangailangan. Uupuan ng kalihim ang asunto at hihintayin kaming magutom at nang sa ganoon kahit na hawot o tuyong isda ang nasa hapag ay mapipilitan na rin kaming kainin iyon dahilan sa matinding gutom...
Napakasakit ang ginagawang ito sa aming mga manggagawa, Sen Chiz
Tulungan mo sana kami.
pause po muna..
antonio l. buensuceso jr.