---------- Forwarded message ----------
From: antonio jr. buensuceso <antoniobuensuceso@gmail.com>
Date: 2011/7/14
Subject: KAGAWARAN NG KATARUNGAN Response to First Endorsement
To: vp@ovp.gov.ph, vpbinay@gmail.com
Hulyo 12, 2011
From: antonio jr. buensuceso <antoniobuensuceso@gmail.com>
Date: 2011/7/14
Subject: KAGAWARAN NG KATARUNGAN Response to First Endorsement
To: vp@ovp.gov.ph, vpbinay@gmail.com
Hulyo 12, 2011
Atty. MARIA CHARINA BUENA-DY PO
Director IV Technical Staff
Kagawaran ng Katarungan, Manila
Republika ng Pilipinas
THROUGH:
USEC. Benjamin E. Martinez, Jr.
Chief of Staff
Office of the Vice President
7th Floor PNB Financial Center
Diosdado Macapagal Boulevard, Pasay City
USAPIN: Tulong sa pag-usig sa mga tauhan ng pamahalaan na lumabag
sa ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT
Kagalanggalang pong taga-usig:
Maligayang pagbati po.
Natanggap ko po ngayong araw ang unang endorsement letter tungkol sa asuntong nais
kong ihingi ng tulong sa butihing Pangalawang Pangulo Jejomar Binay, na kagyat namang inilapit nila sa inyong tanggapan. Bagay na tatanawing kong malaking utang na loob ko sa kanya habangbuhay.
Ako po ay labis na nagagalak sa pangyayaring ito dahil sa wakas ay mabibigyan na ng pag-asa ang inaasam kong katarungan mula sa pagkurakot sa aking retirement pay at labag sa batas na pagtanggal sa akin sa trabaho, pag-alipusta sa aking dangal at dignidad, pagyurak sa aking pagkatao na ginawa sa akin ng SHELL, sampu ng kahihiyan at paghihirap sa katauhan, kaisipan at kalooban na dinulot nito sa aking mga anak at buong pamilya.
Lalong higit ang aking tuwa kapag ang mga lingkod bayan na nakipagkutsabahan at tumulong sa SHELL upang isakatuparan nang lubusan ang kabuktutan at kasakiman ng SHELL ay masampahan ng kaso at mapanagot sa kanilang mga kasalanan nang sa ganoon ay maging babala sa kanilang mga makapangyarihang kumpanya na tapos na ang kanilang kabuhungan at walang pakundangang pagmamalabis o paggamit sa tinatawag nilang management prerogatives upang sikilin at supilin ang mga makatarungang hiling naming mga hamak na mga mangagawa, sa pamamagitan ng mga tiwaling lingkod bayan na sangkot sa usaping ito.
Muli, nais ko pong ipaabot sa inyong kaalaman na ako po ay nakalaang maghintay, maki-isa makipagtulungan upang ang adhikaing linisin ang ating pamahalaan sa kabulukang sistema na dulot ng korapsyon at kabuktutan sa ating bayan na nagdudulot ng labis labis na paghihirap, pagdurusa at pasakit sa abang sambayanang Pilipino ay lubusan nating mapagtagumpayan. Kaya nga po bilang pagtugon sa adhikaing ito ay nais kong gawin ang nararapat kong gawin, hindi lang yun isiwalat ang anumang kabuktutan at korapsyon, ngunit lalong higit yaong mga taong sangkot sa usaping tulad nito ay maiharap sa husgado at tiyaking lubusang mapanagot at maparusahan.
Ipagpaumanhin po ninyo na padaanin ko sa e-mail ang pakikipagtalastasan sa inyo at paggamit muli ng Tanggapan ng Kagalang galang na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas Jejomar Binay, sa dahilan pong ang Tanggapan po ng butihing Pangalawang Pangulo ang may access po sa inyo.Ngayon kung sa inyo pong kapahintulutan ay ipagkaloob po ninyong gamitin ko ang direktang e-mail ninyo, iyon po ay malugod kong tatanggapin. Sakali naman pong sa inyong palagay ay nararapat sa koreo daanin ang pakikipagtalastasan sa inyo, ipagbigay alam lang po ninyo sa akin at iyon po ang aking gagawin.
Tanggapin po ninyong lahat ang aking buong pusong pasasalamat.
Lubos na gumagalang,
Antonio L. Buensuceso Jr.