MARAMING SALAMAT. MAARING MARAMI ANG HINDI NAKAKAUNAWA SA DAHILAN NG PATULOY KONG PAGTATAGUYOD SA MGA ASUNTO KO LABAN SA MGA KORAP NA HUWES NG KORTE SUPREMA AT SA SHELL AT MGA NAMUMUNO RITO. SANA MAUNAWAAN NILA NA SA PAMAMAGITAN NG MGA KASONG ITO NA AKO MISMO ANG NAKASAKSI, NAKARANAS AT BIKTIMA EH AKO ANG PINAGKALOOBAN NG BATAS NA MAY KARAPATANG MAGHABOL, MAGREKLAMO UKOL DITO O ANG AKING MAG-ANAK KUNG AKO AY WALA NA. HINDI PUEDE SI JUAN, SI KULAS O SI PEDRO. KAYA AKO ANG KUMIKILOS KAHIT MAPANGANIB. BINABANGGA KO ANG PINAKAMAPANGYARIHANG KOMPANYA AT HUWES NG KORTE SUPREMA. KAHIT NANGANGANIB AKO AT ANG AKING PAMILYA, HIGIT NAGING MALAKAS SA AKING KALOOBAN ANG TAWAG NG TUNGKULIN....TUNGKULING MISMONG BILANG MAG-AARAL NOON AY ATING LAGING INAAWIT.... Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Buhay at langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
KAYA BINUHAT KO ANG RESPONSIBILIDAD NA INATANG SA AKIN NG PAGKAKATAON...HUWAG KAYONG MAGTATAKA KUNG PANO KO NAGAGAMPANAN ANG GAYUN...WAG NANG MAGTAKA DAHIL ...AKO AT ANG LABAN KO...ANG BUONG BIGAT AY PASAN NG DIYOS. MULI, MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYO. May the Lord bless everyone.