DISBARMENT COMPLAINT AGAINST
ATTY. RAUL QUIROZ FILED DOCUMENT HERE
RA 7641 CIRCUMVENTED BY SHELL,
GUARDIANS OF LAW SHOULD BE DISCIPLINED
4.1.12 PANG LABINDALAWANG PANDARAYA:
HINDI PO TOTOO NA NOONG MGA
PANAHON NA TANGGALIN AKO AY
MAY "REDUNDANCY" NA
ITINAGUYOD NI ATTY. RAUL QUIROZ
Your Honor, nagsinungaling si
Atty. Raul Quiroz na noong panahon
na tanggalin ako sa trabaho ay may
"redundancy" na itinaguyod ni
Atty. Raul Quiroz . Sa totoo lang po,
wala pong "redundancy", siguradong
sigurado po ako noong panahong iyon.
Bakit ko nasabi yun? Ganire po yun :
Your Honor, please, masdan po natin
ang sulat sa akin ni G. Rico Bersamin
ang sulat sa akin ni G. Rico Bersamin
na may petsa 28th November 2002,
sinasabi po rito:
XXX
"Dear Mr. Buensuceso,
As already discussed with you, with the
restructuring of the Tabangao Refinery,
we have exhausted best endeavors to
find a suitable position for you but we
have been unsuccessful. Hence, to
conforme to normal legal requirements,
we would like to serve notice that we will
be constrained to terminate your
employment effective close of business
31st December 2002 with the redundancy
package described in the following
paragraph."xxx
PACKET 12 : LABEL 5.12.1 Complainant Position
Paper,
Annex "E"
28th November 2002
R. Bersamin letter 1st letter
Dito po ay pinabatid sa akin ni G. Rico
Bersamin na dahil sa restructuring ng
Tabangao Refinery ay nagawa na nilang
lahat para makakita ng "suitable position
"sa akin pero sila ay nabigo.Kaya, upang
makasunod sa panuntunan ng batas ay
ipinagbibigay alam nila sa akin na ang
aking pagtatrabaho sa SHELL ay hanggang
31st December 2002 na lang, na may
redundancy package na nakasaad sa
sunod na talata.
Mapapansin po natin ang apat na bagay :
1. Restructuring ng Tabangao Refinery
ay tapos na
2. Nagawa na nila ang lahat ngunit
nag-resulta sa walang suitable position,
di umano, para sa akin
3. At sinabing hanggang
31st December 2002 ang trabaho ko
4. At may redundancy package
na ibibigay sa akin
Your Honor, please, ibig pong sabihin ni
G. Rico Bersamin sa isang pangungusap
ay, na noong gawin niya ang sulat na ito
sa akin, kung papaniwalaan natin siya,
matapos ang Restructuring ng Tabangao
Refinery ay kalabisan na ako sa
kinakailangang operator sa planta,
kaya kailangan na niya akong tanggalin
epektibo sa 31st December 2002.
Tama po ba?
Ngunit, Your Honor, hindi kaya ninyo
pagdudahan ang kadalisayan ng mga
sinulat niya sa akin, hindi kaya ninyo siyang
sabihing nagsisinungaling kapag nabasa
ninyo ang pangalawang liham niya sa akin ,
na may petsang 17th December 2002?
Tunghayan po natin :
XXX
Dear Mr. Buensuceso,
Further to our letter dated 28th November 2002,
please be advised in view of the requirements
of the business, the effectivity of the cessation
of your employment for reasons of redundancy
shall be deferred from
31st December 2002 to 15th February 2003. xxx
PACKET 12 : LABEL 5.12.2 Complainant Position Paper,
Annex "F",
17th December 2012 R. Bersamin 2nd letter
Sinulat po sa akin ni G. Rico Bersamin, na
susog doon sa kanilang sulat sa akin na may
petsang 28th November 2002, Sabi niya ay
ganito : "please be advised in view of the
requirement of the business", ibig sabihin po ,
Sana ay unawain mo na dahilan sa
pangangailangan ng negosyo, ang
"effectivity" ng pagtanggal sa iyo sa trabaho
dahil sa "redundancy" ay ipinagpapaliban
mula sa 31st December 2002 patungo sa
15th February 2003.
Hindi po ba tamang isipin na nagsisinungaling
si G. Rico Bersamin sa pagsasabing may
redundancy, na ako ay kalabisan na sa
kinakailangan sa planta? Hindi po ba kung
tunay na ako ay kalabisan na sa kinakailangan,
sa totoo lang , eh kahit po ora mismo, ngayon din,
ay maaari na niya akong pakawalan? Sa
pangyayaring nagkaroon na sila ng plaso mula
28th November 2002 to 31st December 2002
ay humirit pa sila ng panahon hanggang
15 February 2003 bago ako tanggalin ,
kaya maliwanag na may pangangailangan
sa akin noong panahong iyon ; na si G. Rico
Bersamin mismo ang nagsabing kailangan
niya ako na manatili Siya po mismo ang nagsabi ..
Sa Ingles po ang sabi niya:XXX please be
advised in view of the requirements of
the business the effectivity of the cessation
of your employment for reasons of
redundancy shall be deferred from
31st December 2002 to February 15, 2003.xxx
Hindi po ba ninyo kaya naiisip na naghanap
muna si G. Rico Bersamin ng tao upang
ipanghalili sa akin at hindi tunay na may
"redundancy" na tulad ng sinasabi niya noong
panahong iyon ? Kung totoo pong kalabisan
na ako eh bakit hiniling pa niyang manatili ako
hanggang 15th February 2003?
Your Honor, please, kung totoong labis
kaming mga operator , eh tsugi na agad
sana ako sa buwan ng Disyembre pa lang,
tutal nasunod na naman ni G. Rico Bersamin
ang sinasabi niyang one month requirement
na "notice" di po ba? Bakit humingi pa sila sa
akin ng extension hanggang
15 February 2003?
Kaya po, Your Honor, wala pong kaduda
duda hindi maaring magsinungaling
ang dalawang sulat na ebidensya. Wala pong
"redundancy," maliwanag pong walang
kalabisan sa tao noong panahong iyon.
Si G. Rico Bersamin ay buking o bistado na
nagsisinungaling at ang pagsisinungaling
naman niya ay buong lakas at talino at husay
na itinaguyod ni Atty. Raul Quiroz. Kaya,
Your Honor, please, nararapat lamang at
dapat tiyakin ng lubusan na si
Atty. Raul Quiroz ay ma-disbar upang wala
nang mangahas pang siya ay pamarisan.
With all due respect, Your Honor, DISBARMENT
po ang karapat dapat sa isang abogadong
katulad ni Atty. Raul Quiroz.
DISBARMENT COMPLAINT AGAINST
ATTY. RAUL QUIROZ FILED DOCUMENT HERE
RA 7641 CIRCUMVENTED BY SHELL,
GUARDIANS OF LAW SHOULD BE DISCIPLINED
The TRUTH will set you FREE.
No comments:
Post a Comment