Dear Senator Chiz,
Maligayang bati po sa inyo!
Nasa ibaba po ang ilang provision ng Anti-graft and Corrupt Practices Act na may mahalagang kaugnayan sa mga issue na idinudulog ko sa inyo.
Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) xxx
Section 3. Corrupt practices of public officers. — In addition to acts or omissions of public officers already penalized by existing law, the following shall constitute corrupt practices of any public officer and are hereby declared to be unlawful: xxx(e) Causing any undue injury to any party, including the Government, or giving any private party any unwarranted benefits, advantage or preference in the discharge of his official administrative or judicial functions through manifest partiality, evident bad faith or gross inexcusable negligence. This provision shall apply to officers and employees of offices or government corporations charged with the grant of licenses or permits or other concessions. xxx
Section 11. Prescription of offenses. — All offenses punishable under this Act shall prescribe in ten years. xxx
Nabanggit ko po ang mga provision ng R.A. 3019 dahil kaugnay po niyan ang aking ilalapit na asunto sa inyo. Nais ko pong maisampa ang kaso laban sa mga sumusunod na kawani ng ating pamahalaan, una, isang clerk of court ng Supreme Court, pangalawa, tatlong hukom ng Court of Appeals, pangatlo, tatlong comissioners ng NLRC, at pangapat, isang labor arbiter dahilan sa kanilang evident bad faith or gross inexcusable negligence and wilful ignorance at pandaraya sa kanilang pagtupad ng tungkulin nang kanilang sangayunan na gamitin ng kumpanya ang aking retirement benefits bilang pambayad sa akin noong tangalin ako sa trabaho bilang separation pay. Ang retirement benefit ay dapat galawin lang sa panahong magreretiro na ako. Ito po maliwanag na pandaraya ngunit dahil sa wilful ignorance and negligence ng mga kawaning nabanggit ay naipagkait sa akin ang katarungan at nakuha ng kumpanya ang labis na kapakinabangan.Nakurakot nila ang alin man sa aking retirement benefits o dili kaya ay ang aking separation pay..
Dagdag pa rito, ang hindi nila pagtutol sa paglabag ng kumpanya sa Job Security provision ng aming CBA na nagsasaad ng ganito, The union recognizes the right of the company to contract out work. However, no employee shall suffer loss of employment out of contracted out work. Noong tanggalin po ako sa trabaho ay maraming trabaho namin ang ipinakontrata ng kumpanya, itong provision na ito ay hindi man lang TINUTULAN o isinalang alang ng ating mga lingkod bayan na humawak ng asuntong ito, bagkus ay buong buo nilang sinang-ayunan ang paglabag na ito sa aming CBA. Marami pa pong iba. Malaki po ang pakinabang ng kumpanya sa gross wilful and unlawful negligence at pandaraya nila na nagdulot ng ibayong pinsala sa akin. Ang mahalaga po ay malaman ninyo ang aking nais na maisampa ang kaso laban sa kanila bago matapos ang sampong taon, sa dahilang kapag di sila nasampahan ng kaso at mapanagot ay mananatili sila sa katungkulan at patuloy na maghahasik ng kabuktutan sa ating bayan at kung sakaling sila ay maparusahan, ito naman ay magsilbing halimbawa na ang kabuktutan ay walang puwang sa ating pamahalaan at di dapat tularan o pamarisan.
Ako po ay malugod na maghintay sa inyong tugon at mga mungkahi upang ang mga lingkod bayan na nabanggit ay di makatakas at maparusahan sa kasalanang kanilang ginawa. Marami pong salamat.
Lubos na gumagalang,
Antonio L. Buensuceso Jr.
No comments:
Post a Comment