NOLI ATIENZA_NO TO DIMACUHA DYNASTY!
Noli S. Atienza via Facebook.com
Simula na naman ang kampanyahan.
Bising-bisi na naman ang mga politiko sa pag-iisip ng mga paraan upang sila ay manalo. Iba’t-ibang strategies and techniques ang gagamitin upang mabihag ang mga puso ng mga botante. Dadaloy na naman ang napakaraming pera upang tayong mamamayan ay bilhin ang boto sukdulang labagin nila ang batas. Singkar na naman ang paggamit ng mga tradisyunal na pamamaraan na tinatawag natin 3Gs ng eleksyon: Guns, Goons & Gold. Nangunguna sa paggamit ng garitong pamamaraan ang mga Dinastiya, kandidato ng mga sindikato at kandidato ng mga malalaking negosyanteng alam na nating ugat ng paghihirap ng bayan.
Sumisigaw tayo ng PAGBABAGO at yan po ang dahilan kung bakit pinakiusapan naming si CARLITO BISA upang kumandidato upang maging kinatawan natin sa Kongreso. Bagaman at si Ka Lito ay walang personal na ambisyon na maging Congressman, walang salapi upang gastusin sa kampanya at makinarya upang gamitin upang manalo, nakita namin sa kanyang katauhan ang pag-asa na baguhin ang takbo ng ating politika at wakasan na ang pamamayagpag ng mga TRAPO..
Galing sa ordinaryong pamilya, lumaki sa hirap, nabibilang ngayon sa hanay ng mga manggagawa at namuhay sa pagtatanggol sa karapatan ng maliliit at mga biktima ng karahasan, sa palagay namin ay mahihirapan tayong makakita ng isang Batanguenyo sa ngayon na malalampasan ang kanyang katangian upang gawin nating kinatawan sa ating Kongreso.
Upang makumbinsi naming kumandidato, sinabi namin sa kanya: ipahiram mo laang sa amin ang iyong katauhan upang makita ng taong bayan ang tunay na paglilingkod sa bayan;
hindi ka kailangang mag-resign sa iyong trabaho para mangampanya… kami ang mangangampanya para sa’yo,
at huwag mong gagastusin ang iyong pera na nakalaan para sa iyong pamilya… manghihingi tayo ng tulong sa naniniwala sa atin.
Idinagdag pa namin: kung sakaling ikaw ay papalarin, magiging buhay kang halimbawa na meron pa tayong pag-asang baguhin ang mga tradisyunal na mga pagkakamali ng ating lipunan, na buhay pa rin sa isip ng mamamayan ang kabutihan at tapat na paglilingkod, na pwede nating hanguin sa paghihirap ang ating bayan dahil na rin sa mali nating ginagawa. At tuluyan na nga siyang sumang-ayon sa amin.
Yan ngayon ang idudulog namin sa inyo at sa lahat nating kababayan. Gawin natin siyang KANDIDATO NG BAYAN (ng mahirap at mayaman, ng manggagawa at mga negosyante, ng mangmang at nagsipag-aral, ng lahat ng mamamayan). TULUNGAN PO NATIN SI CARLITO BISA… TULUNGAN NATIN ANG PAGBABAGO NG ATING BAYAN!!!
Kilalanin si CARLITO BISA:
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=873391292776040&set=gm.502492396594435&type=3&theater
https://www.facebook.com/photo.php?fbid=873391292776040&set=gm.502492396594435&type=3&theater
Nagkakaisa ang taong bayan... mga kabataan, manggagawa, kawani, mga ina at ama ng tahanan, mga negosyante at mangangalakal, mga guro at estudiante, mga propesyonal, mga organisasyon at ang mga simbahan... AYAW NATIN SA COAL.
Ito ay magdudulot ng sakit at kamatayan sa ating mamamayan. Ito ay lalason sa ating mga hayop, lamang dagat at mga halaman. Ito ang sisira ng ating kabundukan, karagatan at kabayanan.
Sa ngayon ay nakabinbin ang panukala na magbibigay pahintulot sa pagtatayo ng isang COAL-FIRED POWER PLANT. Naghihintay ang kasalukuyang administrasyon upang sila ay muling mahalal. Pagkatapos ng eleksyon at muli silang mahalal, wala nang makapipigil sa kanilang kademonyohan.
Sa ngayon, maaari pa natin itong MAPIGILAN. Huwag iboboto ang mga kandidatong nagsusulong ng plantang lason!
NO TO DIMACUHA DYNASTY!
NO TO THE YES KONSEHALES!
NO TO ALL EBD CANDIDATES!!!
NO TO THE YES KONSEHALES!
NO TO ALL EBD CANDIDATES!!!