Wala akong naramdamang lungkot nang ako’y umalis sa bahay namin. Para ngang mamamasyal lang ako sa kung saan at babalik din agad sa aming bahay ano mang oras na aking naisin. Ni hindi ko nga naramdaman ang umiyak, ni katiting na luha ay wala akong naialay sa aking pag-alis kahit mapapalayo ako ng sobra-sobra sa mga mahal ko sa buhay.
Sabagay, hindi naman talaga ako marunong mangulila. Inisip ko naman na hindi pa naman ako tuluyang maglalaho kaya walang rason para ako’y umiyak at malungkot. Iniisip ko lang na kailangan kong magtrabaho dahil hindi kami mabubuhay ng normal kung hindi ako kakayod para sa aking sarili at sa aking pamilya. Kaya siguro wala ni isa mang tubig mula sa mapanglaw kong mga mata ang dumaloy papahalik sa aking pisngi nang araw sa sila’y aking lisanin.
Dumating na ang oras na aking pinakamimithi, ang sumakay sa isang eroplano. Bata pa kasi ako, yun na ang aking pangarap. Lagi ko ngang biro dati, “Nakasakay na naman ako sa eroplano, pati nga sa helicopter at train nakasakay na ako, pati sa cup and saucer at ferris wheel…sa peryahan nga lamang."
Pilit kong ikinubli ang lungkot sa aking pisngi. Nandiyan pa rin ang mahinahon kong pagtawa at pagngiti sa bawat pag-uusap. Subalit talagang nagsisikip ang aking dibdib sa tindi ng lungkot na aking nararamdaman. Ang dating tigang kong mga mata ay binabaha na ng matitinding luha.
– Gilson B. Aceveda
Pero sa oras na iyon, tunay na eroplano na ang masasakyan ko. Nakatutuwang isipin na ang dating ninanais kong makita man lang ang hitsura ng loob ng eroplano ay magagawa ko na, at maililipad pa at idyduyan sa himpapawid. Isang katuparan na ng aking pangarap.
Kaya siguro wala ni isang luha ang humalik sa sahig ko nang umalis ako sa aming tahanan. Subalit nang dumating ang oras na marating ko na ang aking destinasyon, agad humambalos sa aking muni ang mga tanong, “nasaan na sila? Kalian ako uuwi? Kailan ko sila makikita? Kalian ko magagawang sila’y yapusin, na sila’y halikan? Kailan ko sila maipapasyal? At maipararamdam ang aking pagmamahal?"
Pumasok sa utak ko na, “bakit ako naririto sa napakalayong lugar? Bakit kailangang dito ako magtrabaho, gayung kapalit niyon ay ang matagal kong pagkakalayo? Bakit kailangan kong maranasan ang mag-isa kung pwede namang kami’y mag kakasama?
Pilit kong ikinubli ang lungkot sa aking pisngi. Nandiyan pa rin ang mahinahon kong pagtawa at pagngiti sa bawat pag-uusap. Subalit talagang nagsisikip ang aking dibdib sa tindi ng lungkot na aking nararamdaman. Ang dating tigang kong mga mata ay binabaha na ng matitinding luha.
Sa aking pagpikit sa gabi, nandiyang gusto kong lumipad pabalik sa aming tahanan. Gusto kong makitang muli ang aking mga mahal sa buhay. Gusto kong managinip na sila’y aking kasama, kahit sa panaginip lang, kahit sa isang saglit lang ay maramdaman kong muli ang init ng kanilang pagmamahal. Iyon ang pag-asam ko kahit alam ko na sa muling pagmulat ng aking mga mata ay kalungkutan ang yakap ko at aking makakasama.
Minsan naiisip ko, “Kaya ko namang magtiis ng hirap. Hindi baleng walang pera, hindi baleng nagtitiis sa gutom, hindi baleng walang pambayad ng kuryente, hindi baleng walang ilaw o tubig o kahit maputulan ng telepono basta magkakasama lang kami." Ngayon ko lang naramdaman ang lungkot, ang pangungulila.
Mahirap mapalayo sa mga mahal mo sa buhay, ang hirap palang maging “Bagong Bayani." Ayaw ko ng maging bayani! Kuntento na ako sa pagiging ordinaryong tao. Ayaw kong magpakabayani! Gusto ko’y isang ordinaryong Juan na lang. Ibalik niyo ako sa dati kong kinalalagyan!
– Gilson
Masuyo kong pinalilipas ang bawat araw at gabi na katabi ang malalamig na dingding, ang nakapapasong araw at ang maanghit na itik! Gusto kong umuwi ngunit ‘di ko magawa. Ang hirap nang mapalayo sa mga mahal sa buhay. Hinahanap-hanap ko na sila. Kahit ang dati kong silid, ang mabaho kong kama at kumot, ang magic sing, pati nga SM hinahanap ko na rin.
Mahirap mapalayo sa mga mahal mo sa buhay, ang hirap palang maging “Bagong Bayani." Ayaw ko nang maging bayani! Kuntento na ako sa pagiging ordinaryong tao. Ayaw kong magpakabayani! Gusto ko’y isang ordinaryong Juan na lang. Ibalik niyo ako sa dati kong kinalalagyan! Isang kahilingan...isang pangarap na maisasakatuparan paglipas pa ng maraming araw.
Ayaw ko munang magbilang ng araw. Hahayaan ko na lang na pawiin ng maalikabok na hangin ang daang-daang araw na aking susuungin. Ngayon ko napatunayan na tunay ngang ginto ang oras. Lalo na ang oras na kayo’y magkakasama, mga oras na kayo’y masasaya, magkakasama sa hirap at ginhawa.
Tunay na walang kapalit ang makapiling mo ang iyong pamilya at mga pinakamamahal sa buhay. Ordinaryong oras lamang noon, kayamanang nais kong muling maibalik ngayon. Hihintayin ko na lamang muli ang oras na ako’y makabalik sa lupa kong sinilangan. At sa oras na iyon, nanamnamin ko ang bawat saglit na sila’y aking makakasama sapagkat napatunayan ko na sila ang tunay kong kaligayahan… at tanging kailangan ko sa buhay.
Pag-uwi ko, pipilitin ko na lang na pagkasyahin ang kakarampot na mayroon ako sa Pilipinas, kaysa danasin ko muli ang sobrang lungkot sa gintong buhangin ng gitnang silangan – GMANews.TV.
Gilson B. Aceveda
Kamusta mga Kapuso! Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyongKwentong Kapuso.
Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras.
Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala saPinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!
From GMA news
|
No comments:
Post a Comment