DISBARMENT COMPLAINT AGAINST
ATTY. RAUL QUIROZ FILED DOCUMENT HERE
RA 7641 CIRCUMVENTED BY SHELL,
GUARDIANS OF LAW SHOULD BE DISCIPLINED
4.1.11 PANG LABING-ISA NA PANDARAYA :
Ang "management prerogatives" ay may
hangganan. Ito po, Your Honor, ay ang siya
mismong sinasabi sa dokomentong isinumite
ni Atty. Raul Quiroz sa page 7 ng SHELL
Position Paper No.20, ngunit hindi niya
inunawa :
"20 . It is respectfully submitted that the
reorganization undertaken by the
Company is a valid exercise of
management prerogative. It was
made imperative by the conditions
still persist even up to the present .
Thus, the Supreme Court ruled in
The Hongkong and Shanghai
Banking Corporation Employees
Union vs. National Labor Relations
Commission and the Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Ltd.
that :
"It is a well-settled rule that labor laws
do not authorize interference with the
empl oyer's judgment in the conduct of
his business. The Labor Code and its
implementing rules do not vest in the
labor arbiters nor in the different
divisions of the NLRC nor in the courts
managerial authority. The hiring, firing,
transfer, demotion and and promotion
of employees has been traditionally
(Written in bold for emphasis)
identified as a management
prerogative subject to
limitations found in the law,
a collective bargaining agreement,
or in general principles of fair
play and justice.
This is a function associated the
employer's inherent right to control
and manage effectively its enterprise.
Even as the law is solicitous
of the welfare of the employees, it must
also protect the right of an employer
to exercise what are clearly
management prerogatives. The free
will of management to conduct its own
business affairs to achieve can not
be denied."
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL
Position Paper p.7 No.20
Malinaw po Your Honor, si Atty. Raul Quiroz
mismo ang nagpakita ng parte ng ruling na
yan ng Supreme Court . Makikita po natin
ang pangungusap na :
"The hiring, firing, transfer, demotion, and
promotion of employees has been
traditionally identified as a management
prerogative subject to limitations found
in law, a collective bargaining agreement,
or in general principles of fair play and
justice.
Makikita po natin mula dito sa pangungusap
na ito na ang "managerial functions" na
karaniwang sinasabing "management
prerogatives" ay may mga hangganan
matatagpuan sa batas, hangganan
itinatakda ng CBA o hangganang
itinakda ng pangkalahatang
panuntunan ng patas na
pagkilos at katarungan.
4.1.11.1 Ang pagpili po sa akin upang alisin
sa trabaho bagaman sa karaniwan
ay itinuturing na management
prerogative ngunit ito po ay may
limitasyon. Ito po ay hinahadlangan
ng aming kasunduan sa paggawa,
2001 CBA Article XIV (limitation
found in a collective bargaining
agreement)
Sec.3-Contracting Out- "TASREA
recognizes the right of the Company
to contract - out work. However, no
employee shall suffer loss of
employment on account of
contract-out work."
PACKET 11 : LABEL 5.11.2 Complainant
Position Paper, Annex "H"
2001 CBA Article XIV
Section 3 Contracting out
Amin pong kinikilala ang karapatan ng
"Company" na mangontrata ng trabaho
sukdulang maging mga trabaho na namin ay
ipakontrata na ng SHELL na siya pong naging
kaganapan na sa SHELL ngunit sana igalang
naman nila ang aming kasunduan sa CBA na
wala sa amin ang mawawalan ng trabaho dahil
sa ipinakontratang trabaho namin. Kung sinunod
at iginalang lamang ni G. Rico Bersamin ang
Art.XIV Sec3 ng aming CBA ay ginawa muna
niyang bawasin ang mga contractor na
gumagawa ng trabahong ginagawa namin bago
kaming mga regular na kawani na kasapi ng
TASREA ang kanyang alisin.Ngunit hindi po
niya ginawa na magbawas ng kahit isa man
sa mga contractor bago magtanggal ng isa sa
amin. Ang ginawa pong pagtanggal sa akin
ni G. Rico Bersamin ay isang walang
pakundangang paggamit sa "management
prerogative" na tahasan lumabag sa JOB
SECURITY PROVISION ng 2001 CBA isang
limitasyon sa paggamit ng management
prerogatives (limitations found in a
collective bargaining agreement ) na base
sa ruling ng Supreme Court sa The Hongkong
and Shanghai Banking Corporation Employees
Union vs. NLRC and The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Ltd., na si
Atty. Raul Quiroz mismo ang nagpresenta
sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.2 Ang akin pong INQUIRY tungkol
sa nawawalang minutes ng CBA
Negotiation meetings (CBA 2001)
na kung saan dito pinag-usapan
ang issues tungkol sa pasueldo, sa
2001 CBA, na ninais ni G. Rico
Bersamin na hindi mabunyag at
manatiling lihim katulong ang mga
nakipagkutsabahang opisyales ng
unyon, maging ang pag-aalis ng
dalawang myembro na tatayong saksi
sa mga negosasyong nabanggit kahit
alam ni G. Rico Bersamin na iyon ay
labag sa pinagkasunduang
management prerogatives na labag
sa "general principles of fair play
and justice", batay sa SC ruling sa
The Hongkong and Shanghai Banking
Corporation Employees Union vs.
NLRC and The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Ltd.,
na si Atty. Raul Quiroz mismo ang
nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL
Position Paper p.7 No.20
Management Prerogatives
LABEL 5.11.3 Complainant
Position Paper
Annex "A"
Inquiry Letter to
TASREA
Secretary
LABEL 5.11.4 Complainant
Position Paper
Annex "C"
Inquiry Letter to
TASREA President
4.1.11.3 Katinuan sa PERFECT ATTENDANCE
AWARD SCHEME (Scam) na matagal
na naming hinaing na bigyan ng reporma,
na sana yung 15 araw na sick leaves at
5 araw na personal/emergency leaves
na may kabuuang 20 araw na pino-forfeit
ng SHELL kapalit ng isang G. E. Flat iron
at isang certificate lang.
Sabi po namin, " Tutal ho naman Sir,
kung kukuwentahin doon po sa 20 araw
na di namin ginamit, ay may halaga po
yung 50 araw para sa inyo, dahil po
Sir, kung ginamit namin ang aming
20 araw eh, babayaran ninyo kami ng
20 araw, pagkatapos po ay kukuha kayo
ng kahalili namin na babayaran ninyo ng
overtime para sa 20 araw, papatak po
yung kahalili namin ay babayaran ninyo
ng 30 araw. Samakatuwid, 20 araw para
sa aming hindi nakapasok at 30 araw
para doon sa humalili sa amin, eh
malinaw na 50 araw po yun.
Bakit po naman tutumbasan lang ninyo
ng isang plantsa at bondpaper?"
Ang aming pong hiling bigyan kami ng
kahit 20 araw din namang halaga na
pakunswelo. Ngunit, hindi na po kami
napagbigyan ng SHELL. Nagpatuloy
po sila, SHELL at Mr. Bersamin, sa
kabuktutan at panggagantso.
Muli po Your Honor, tunay pong
kaganapang naglalahad ng lampas sa
hangganang paggamit ng "management
prerogatives", labag po sa "general
principles of fair play and justice",
batay sa SC ruling sa The Hongkong
and Shanghai Banking Corporation
Employees Union vs. NLRC and The
Hongkong and Shanghai Banking
Corporation Ltd., na si Atty. Raul
Quiroz mismo ang nagpresenta sa
asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL
Position Paper
p.7 No.20
Management
Prerogatives
Reply Annex "I"
Why Ask For Sanity
In The Perfect
Attendance System ?
4.1.11.4 Ang higit na mas mataas na
pagtingin o "discrimination"
ginawa ni G. Rico Bersamin sa
pagbibigay sa tatlong Senior
Office Staff ng salary increase
na 10% na nararapat lamang po
9.5% ng tulad ng sa aking 9.5%
bilang Senior Operator. Pare
pareho pong Senior ang level
namin, dapat po pare pareho
kaming 9.5%. Ngunit dahilan po
sa kagustuhan ni G. Rico Bersamin
ay binigyan po itong 3 Senior Office
Staff ng increase na 10% dahilan
raw po sa kanilang 16- 18 long
years of service. Ang petisyon ko
po naman kay G. Rico Bersamin
ay sana ako ay bigyan rin ng
kaparehong pagtingin, bigyan din
po sana ako niya ng 10%, dahil po
naman sa serbisyo ko na 24 long
years. Kung sila, sa serbisyo nila na
16-18 years binigyan niya ng 10%
sana ako, dahil sa 24 years kong
serbisyo ay bigyan rin niya ng 10%.
Hindi na po ako napagbigyan lalong
higit ay hindi rin po ako nabigyan ng
pagkakataon para sa isang "hearing"
ang aking petisyon kahit po sa
maraming ulit na pag-follow up.
Muli po Your Honor, tunay pong mga
kaganapang naglalahad ng lampas
sa hangganang paggamit ng
"management prerogatives", labag
po sa "general principles of fair
play and justice" ,labag sa SC ruling
sa The Hongkong and Shanghai
Banking Corporation Employees Union
vs. NLRC and The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Ltd.,
na si Atty. Raul Quiroz mismo ang
nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL
Position Paper
p.7 No.20
Management
Prerogatives
LABEL 5.11.6 SHELL
Rejoinder
Minutes of Meeting
CBA Negotiations
40th Meeting where
10% increase
Were given to
Senior Office staff
instead of 9.5%
LABEL 5.11.7 Complainant
Position Paper
Petition for salary
rate adjustment
4.1.11.5 Ang pagpapahinto ng pay-out para kay
G. Ritchie Coronel para sa kabayaran sa
Performance Related Bonus nito noong
malaman ni G. Rico Bersamin /SHELL na
si G. Ritchie Coronel at ako ay magtiyuhin.
Ito po Your Honor, please, kahit sa
pangyayaring meron na napagkasunduan
sa April 5, 2002 LMC Meeting na tatanggapin
ni G. Ritchie Coronel ang kanyang buong
PRB(Performance Related Bonus) .
PACKET 11 : LABEL 5.11.11 Complainant Reply,
page 1 Annex "K"Minutes of Meeting
April 5, 2002 LMC Meeting
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang
paggamit ng "management prerogatives",
labag po sa "general principles of fair
play and justice" ,labag sa SC ruling sa
The Hongkong and Shanghai Banking
Corporation Employees Union vs. NLRC
and The Hongkong and Shanghai Banking
Corporation Ltd., na si Atty. Raul Quiroz
mismo ang nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.6 Ang pagpapahinto sa isang taon pang
high school scholarship benefit ng aking anak,
si Miriam, na isang SHELL high school scholar.
Ang akin pong anak ay may isa pang taong
high school scholarship benefit noong
ako ay alisin sa trabaho, kaya po ang aking
inaasahan ay makukuha yun noong taon na
kailangan ko yun kahit ako ay nawala na
serbisyo. Gayun po ang aking inaasahan dahil
sa ako ay saksi sa gayun ding sitwasyon sa loob
rin ng may dalawang taong nagdaan. May isa
pong nag-retirong kawani, si G. Butch Bautista,
kapwa ko rin pong taga-Bauan, Batangas, di po
kalayuan sa isat isa ang mga bahay namin.
Dahilan po sa siya ay retired na at upang di
na sila maabala pa ng pagtungo sa SHELL
Tabangao ay minarapat po niyang ipakiusap
sa akin na kunin ang allowances at tuition ng
kanyang dalawang anak na pareho pong scholar.
Bibigyan po niya ako ng "authorization" para
kunin ang mga iyon ( tuition , allowances) at
inihahatid ko po yun sa kanilang bahay sa
aking pag-uwi. Yung gayon bagay po ay may
dalawang taon ko ring ginawa para kay
G. Butch Bautista, kaya po hindi ko po
inakala na ang gayun ring pagtrato ay
ipagkait sa akin. Hindi na po ipinagkaloob
sa akin ang huling taong high school
scholarship benefit ng aking anak.
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang paggamit
ng "management prerogatives", labag po sa
"general principles of fair play and justice",
base sa SC ruling sa The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Employees Union
vs. NLRC and The Hongkong and Shanghai
Banking Corporation Ltd., na si Atty. Raul Quiroz
mismo ang nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.7 Ang pagbalewala sa ACHIEVEMENT ng
isang SHELL high school and college
scholar noong ang SHELL scholar na ito ay
nag-TOP-1 sa APRIL 2002 Electronics and
Communications Engineering Board
Examinations. Hindi po naman masasabing
hindi alam ng SHELL Management ang
pangyayaring ito dahil po sa tuwa ko, ini-order
ko sa Cooperative Store o Canteen ng
tig-isang galong ice cream ang bawat
department sa Admin, sa Engineering at sa
Operations noong araw na yun. Ilang beses
na nagtanong ang anak ko kung kelan kaya
siya iimbitahan ng SHELL para sa isang
Congratulatory Meeting. Natatandaan pa niya
ang dalawang ulit niyang pagpunta sa SHELL
upang tanggapin, matapos niyang pasahan
ang scholarship examinations, ang AWARD
para sa mga nasabing scholarship..Bakit po
ngayon, wala ? Ang sagot ko :" Pasensya na ,
Anak, parang malabo, kahit ako mismo hindi pa
nila binabati." Huwag po naman sanang isama
ang anak ko sa galit nila, kahit po management
prerogative ang kilalanin ang ACHIEVEMENT
ng anak ko o hindi, ang mahalaga ay huwag
sanang idamay ang anak ko, kung may galit
man sila sa akin. Nagpakahusay at
nagsumikap yung bata sa pag-aaral, hindi
sana ipinagkait ng SHELL ang recognition.
Sana po naman alam nilang isabuhay yung
sinasabing pamantayan na:" GIVE CREDIT
WHERE CREDIT IS DUE", kahit na may
galit man sila sa akin. Wala po sanang
personalan.
PACKET 11 : LABEL 5.11.10 Certificate of Distinction
(Mosses C. Buensuceso)
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang paggamit
ng "management prerogatives", labag po sa
"general principles of fair play and justice",
batay sa SC ruling sa The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Employees Union
vs. NLRC and The Hongkong and Shanghai
Banking Corporation Ltd., na si Atty. Raul Quiroz
mismo ang nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.8 Ang pagkakait sa akin ng regalong mamahaling
relong pang- kamay(ROLEX WATCH) sa aking
pag reretiro . Hindi ko naman po hinihingi ito dahil
ang aking karanasan ay kusa itong ibinibigay at
hindi na kailangan pang hingiin at kinukunan pa
nga po ng pictorial bilang pang souvineer
memorabilla at inilalathala pa ito sa Company
newsletter. Ito (ROLEX WATCH) po Your Honor
ay hindi na rin naipagkaloob sa akin.
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang paggamit
ng "management prerogatives", labag po sa
"general principles of fair play and justice",
base sa SC ruling sa The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Employees Union
vs. NLRC and The Hongkong and Shanghai
Banking Corporation Ltd., na si Atty. Raul Quiroz
mismo ang nagpresenta sa asuntong ito.
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.9 Hindi po maaring gamitin ang "management
prerogatives" kung ito ay magdudulot ng
ibayong pinsala, kahihiyan at pagkawasak ng
dignidad ng isang kawani. Ang ginawang
"rating" ng kumpanya sa aking pagtupad ng
tungkulin at ang pangangalandakan at
pagsasapubliko ng naturang rating, at ang
pagkakait sa aking bigyang daan ang isang
hearing para sa aking petisyon para sa salary
rate adjustment, bagaman ito ay mga
"management prerogatives" ngunit hindi
naman sumunod sa itinatadhana ng
"1987 PHILIPPINE CONSTITUTION,
Art. II : Declaration of Principles and State
Policies, Section 11" na nagsabi ng ganito :
"The state values the dignity of every
human person and guarantees full respect
for human rights." Ibig sabihin nito ay
pinahahalagahan ng estado ang dignidad ng
bawat tao ang pangangalagaan nito ang
lubusang pag-galang sa karapatang pantao.
Ang intentional na hindi pagdinig sa petisyon
for salary adjustment at ginawang "performance
rating" ng mga supervisor na sunod sunuran
lang nais mangyari ng namamahala ay lubhang
nagpakita ng walang pakundangang pag-gamit
ng "management prerogatives" ay nagbunga ng
pagyurak sa aking karapatang pantao ; pagsira
sa aking pagkatao, dignidad at integridad at
kawalan ng pagkakataong makatagpo muli ng
trabaho gamit ang parehong karanasan sa
industriya ng langis.
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang
paggamit ng "management prerogatives",
labag po sa "limitations found in law"
(constitution), base sa SC ruling sa The
Hongkong and Shanghai Banking Corporation
Employees Union vs. NLRC and The Hongkong
and Shanghai Banking Corporation Ltd.,
na si Atty. Raul Quiroz mismo ang
nagpresenta sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
4.1.11.10 Karagdagan pa rito ay ang katotohanang
bukod sa sunod sunurang supervisor ang
gagawa ng "rating" ay alam ng ni G. Rico
Bersamin na hindi ako makakakilos
upang depensahan ang aking sarili
dahil sa naipabatid ko na sa kanila na iligal
ang redundancy program ng kumpanya at
ang pag-gawa ng rating ay bunga ng isang
iligal na kadahilanan, na magiging bunga
noon ay isang bagay na iligal din. Alam
nilang hindi ako makakakontra o maka-ayon
sa pag-gawa ng rating. Dahil sa alam nila na
di-lingid sa akin na iyon ay isang patibong,
na ang aking pagkontra o pag-ayon sa
"rating" ay magpapatunay ng aking
pakikilahok na magreresulta sa implication
na ligitimate ang redundancy program ,
"would ligitimize the redundancy program"
at kaakibat nito ay ang isa ring implication
na pinawawalang bisa ko ang aking
karapatan sa Job Security provision sa
aming 2001 CBA. Sinamantala nila ang
pagkakataon; nilait na nila ako ng walang
kalaban-laban. Inuulit ko po, ang paggawa
nila ng rating, bukod sa intensyong hiyain
ako, ay may kaakibat na patibong na
kung sakaling magkamali akong
depensahan ang aking sarili ay magiging
sanhi iyon ng aking lubusang partisipasyon
sa paggawa ng rating at mangangahulugan
na ng pagbalewala ko (waiving my right) sa
JOB SECURITY PROVISION na
nakapaloob sa aming CBA na hahantong
sa pagtanggap ko sa legalidad ng
redundancy program na sa totoo lang po
ay iligal na sa simula pa lamang.
PACKET 11 : LABEL 5.11.8 SHELL Rejoinder
"RATING" (perceived chicanery)
LABEL 5.11.9 Complainant Position
Paper, Annex "H"
2001 CBA Article XIV
JOB SECURITY
Your Honor, please, yun pong pag sasagawa
po "rating" bagaman management prerogative
pero lumalampas naman sa "limitations found
in law" (constitution) at "general principles of
fair play and justice" dahilan po sa panlalait
sa aking pagkatao at patibong (chicanery)
na kaakibat nito.Tiniis ko na lang po,
Kagalanggalang na Chief Justice, Your Honor,
ang kahihiyan kaysa sa ako ay mapaglalangan.
Muli po Your Honor, tunay pong kaganapang
naglalahad ng lampas sa hangganang paggamit
ng "management prerogatives", labag po sa
"limitations found in law" ,at sa "general
principles of fair play and justice "base sa
SC ruling sa The Hongkong and Shanghai Banking
Corporation Employees Union vs. NLRC and The
Hongkong and Shanghai Banking Corporation Ltd.,
na si Atty. Raul Quiroz mismo ang nagpresenta
sa asuntong ito.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
Kaya po, Your Honor, please, sang-ayon po
sa mga nasaad na mga kaganapan
(4.1.11.1 to 4.1.11.10) na nagpapakita ng
walang pakundangang paggamit ni G. Rico
Bersamin at ng SHELL ng "management
prerogatives" na hindi na iginalang ang mga
limitasyon ukol dito, limitations found in the
law, a collective bargaining agreement, or
in general principles of fair play and justice
batay sa SC ruling sa The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Employees
Union vs. NLRC and The Hongkong and
Shanghai Banking Corporation Ltd., na si
Atty. Raul Quiroz mismo ang nagpresenta sa
asuntong ito, sa kadahilanang pagtataguyod
sa mga mali at lisyang asal at gawi ni G. Rico
Bersamin , ay karapat dapat lamang na
patawan si Atty. Raul Quiroz ng parusang
disbarment.
PACKET 11 : LABEL 5.11.1 SHELL Position Paper
p.7 No.20
Management Prerogatives
DISBARMENT COMPLAINT AGAINST
ATTY. RAUL QUIROZ FILED DOCUMENT HERE
RA 7641 CIRCUMVENTED BY SHELL,
GUARDIANS OF LAW SHOULD BE DISCIPLINED
The TRUTH will set you FREE.