DISBARMENT COMPLAINT AGAINST
ATTY. RAUL QUIROZ FILED DOCUMENT HERE
RA 7641 CIRCUMVENTED BY SHELL,
GUARDIANS OF LAW SHOULD BE DISCIPLINED
4.1.10 PANGSAMPUNG PANDARAYA :
Ang intensyon na manglinlang na
tawagin ni Atty. Raul Quiroz, na ang
BITUMEN IMPORT FACILITY na isang
"commercial business unit " at hindi
isang "refinery business unit" upang
bigyang katwiran ang pagkuha ng ibang
tao para mag-operate nito.
Kaya po, Your Honor, makikita po natin
"17. The bitumen project that the
complainant was referring to was
Bitumen Import Facility that involved
direct importation of bitumen products
from other countries. This is consistent
with the Company's position that current
economic conditions make it more
profitable for the Company to import
directly than refine raw materials.
The Bitumen Import Facility does not
involve refining operations In fact, it is
not the Complainant's refinery
business unit that handles the facility
but it is commercial business unit
because it involves finished products."
PACKET 10 : LABEL 5.10.1 SHELL Rejoinder
Ang katotohanan po, Your Honor, ang "commercial
business unit" na ikinakabit ni Atty. Raul Quiroz sa
BITUMEN IMPORT FACILITY at ang "refinery
business unit" na ikinakabit ni Atty. Raul Quiroz sa
PROCESS-2 o refinery ay wala pong pagkakaiba,
pareho po silang planta na pinatatakbo at
binabantayan ng operator. Pareho pong may
control room, mga tanke na imbakan ng
produkto, mga motor, mga pumps na, paandarin o
pahihintuin, mga balbula na isasara o bubuksan.
Pareho pong may raw materials at may finished
products.Hindi po komo "commercial business unit"
ay patatakbuhin ito ng mga empleyadong naka
tuxedo at nakakurbata. Ito po, ay tulad rin ng
planta na LPG Terminal (SGEI) na pinatatakbo
na rin namin. Dito, tumatanggap kami ng LPG
( Liquified Petroleum Gas, finished product po ito)
in bulk quantities karga ng malalaking barko from
abroad o galing dine sa refinery at dini-distribute
naman namin sa ibat ibang destinations sa buong
Pilipinas o saan man sa ibang parte ng Asia. Ang
pagkakaiba lang po ay imbes na LPG (LIquified
Petroleum Gas) ay bitumen (produktong pang
asphalto) naman ang iimbakin at idi-distribute sa
pagkakataong ito. Sa madaling salita ay lahat po
sila ay pare-parehong mga planta. Iisa lang po
ang nakikita nating layunin ni Atty.Raul Quiroz na
sabihin ang "refinery business unit" at "commercial
business unit" ay magkaiba kundi ang layuning
manlinlang. Kung atin pong hihiramin ang salitang
ginamit ni Congressman Farinas noong
Impeachment Trial : ito po ay PALUSOT.
Palusot po ito ni Atty. Raul Quiroz upang bigyang
katwiran na alisin ang mga tao o operator mula
sa PROCESS-2 at tumanggap ng bagong tao para
sa BITUMEN IMPORT FACILITY. Napakalaki pong
pandaraya o palusot ang pagtataguyod rito ni
. Raul Quiroz.Dapat lang po siyang ma-disbar.
Kaya po Your Honor please, dahilan po sa
panglilinlang o pagpa palusot ay alisan po natin
ng karapatan bilang abogado si Atty. Raul Quiroz.
The TRUTH will set you FREE.