4.0 MGA PAGPAPALIWANAG SA
BASEHAN NG DISBARMENT
NI ATTY. RAUL QUIROZ
4.1 PALIWANAG SA MGA BASEHAN :
3.1.1 XXX .... A member of the bar maybe
removed or suspended from his office
as attorney by the Supreme Court
for any deceit, xxx.
Ang isang kasapi ng "bar" o manananggol
ay maaring alisin o masuspinde sa kanyang
tanggapan bilang attorney ng Kataastaasang
Hukuman dahilan sa kahit anong pandaraya......
3.1.2.1 FIRST COUNT VIOLATION
OF THE LAWYER'S OATH
XXX..I will do no falsehood, nor
consent to the doing of any in
court,xxx
Hindi ako gagawa ng kasinungalingan o papayag
sa anumang pagsisinungaling sa hukuman,
3.1.2.2 SECOND COUNT VIOLATION
OF THE LAWYER'S OATH
XXX..I will not wittingly or willingly
promote or sue any groundless,
false or unlawful suit nor give aid
nor consent to the same, xxx
Hindi ko pagbubutihin o nanaising itaguyod o
magsampa ng kahit na anong kaso na walang
basehan, di tunay o labag sa batas o dili kaya
magbigay ng tulong o pagsang-ayon dito.
4.1.1 UNANG PANDARAYA :
BILANG PAMBAYAD SA AKING SEPARATION
PAY NA ITINAGUYOD NI ATTY. RAUL QUIROZ
Ang paggamit ng aking RETIREMENT PAY bilang
kabayaran ng SEPARATION PAY, ay kamalian sa
batas at isang pandaraya. Your Honor, sa akin pong
edad na 48 anyos noon hindi pa ako takdang magretiro
sang-ayon itinatagubilin Republic Act 7641
RETIREMENT PAY LAW o ng aming CBA. Ang aming
kasunduan sa CBA, sa RETIREMENT PROGRAM ng
SHELL ,base sa September 21, 2001 CBA ang
pagkaunawa na ang retirement age ay 60 years old,
gaya po ng sinasaad sa Article XII,
RETIREMENT AND SOCIAL SECURITY ng 2001 CBA
na nagsabi ng ganito: "Employees shall be compulsorily
retired on the last day of the calendar month when they
attain their sixtieth birthday. They will be paid in
accordance with the rules of the
Shell Retirement Benefit Plan."
PACKET 1 : LABEL 5.1.A
Complainant Position Paper Annex "H" 2001 CBA
Kaya sa edad kong 48 noon , kung ligal man
na alisin nila ako sa trabaho ay dapat na gamiting
pambayad sa akin ay yung separation pay base
sa Article 283. Closure of establishment and reduction
of personnel. Hindi po nararapat galawin ng SHELL
ang aking RETIREMENT PAY dahil ang pondong ito po
ay inilaan ng batas sa aking pagreretiro, edad
60 anyos, sa aking katandaan. Sinasaad po rito sa
R.A. 7641 RETIREMENT PAY LAW, AN ACT
AMMENDING ARTICLE 287 OF PRESIDENTIAL
DECREE NO.442, AS AMMENDED , OTHERWISE
KNOWN AS THE LABOR CODE OF THE
PHILIPPINES , BY PROVIDING FOR RETIREMENT
PAY TO QUALIFIED PRIVATE SECTOR
EMPLOYEES IN THE ABSENCE OF ANY
RETIREMENT PLAN IN THE
ESTABLISHMENT . Binigyan diin po rito
sa batas na ito ang utos na magkaloob ng
RETIREMENT PAY, sa mga kualipikadong
kawani sa pribadong sector kung walang kahit
anong RETIREMENT PLAN sa pagawaan.
Sa ibang salita po ay "mandatory" na
magkaloob ang pagawaan ng RETIREMENT PAY
sa kanyang mga magreretirong kawani. Nakasaad
rin po dito, sa batas na ito na ang :
" Violation of this provision (Article 287) is hereby
declared unlawful and subject to the penal provisions
provided under Article 288 of this Code". Ibig pong
sabihin na ang paglabag sa probisyon ito (Article 287)
ay labag sa batas at mapaparusahan ang sinumang
lumabag sa "penal provision" sinasaad sa
" Article 288 of this Code".
Sa loob ng dalawang taon , Your Honor, ako ay
60 anyos na, takdang edad para kunin at tanggapin
ang aking RETIREMENT PAY mula sa SHELL.
Pero nasaan na po ngayon ang RETIREMENT PAY
ko na bunga ng aking 25 taong paglilingkod sa
SHELL? NAKURAKOT NA PO.
Dahil po dito sa ginawang pandaraya ng SHELL
at ni G. Rico Bersamin sa tulong, sang-ayon at
taguyod ni Atty. Raul Quiroz , naisakatuparan ng
SHELL at ni G. Rico Bersamin na makurakot ang
aking RETIREMENT PAY.
Katunayan po ng panloloko at pagtataguyod
ni Atty. Raul Quiroz upang makurakot ang aking
RETIREMENT PAY ng isinulat niya ang mga
sumusunod :
"28. It is also significant to point out that those
terminated received substantial amount of
separation pay. Complainant received and
encashed his separation pay in the amount
of Two Million Seventy-five Eight Hundred
Ninety Three Pesos and Twenty Seven
Centavos (P 2,075,893.27) , a sum
that is substantially more than what the
law requires with respect to payment
of separation pay."
SHELL position paper p. 9 No.28
"9. A generous separation package was received
and encashed by the Complainant . The net
amount of the separation package was
Two Million Seventy five Thousand Eight Hundred
Ninety Three Pesos and Twenty Seven
Centavos (P,2,075,893.27)
A photocopy of a Bank of Philippine Islands
Manager's Check No.0000612604 in the
amount of Two Million Seventy Five Thousand
Eight Hundred Ninety Three Pesos and Twenty
Seven Centavos (P 2,075,893.27) is attached
as Annex "8" hereof as proof of
Complainant's encashment of the check."
Sa No. 28, sinulat po ni Atty. Raul Quiroz, na
mahalagang ipagdiinan na yung mga tinanggal ay
tumanggap ng sobra sobrang halaga ng separation
pay. Ang Complainant, (ako) ay tumanggap at
nag encash ng aking separation pay na ang
halaga ay sobra sobra sa kung anong halaga na
itinatadhana ng batas ukol sa pagbabayad ng
separation pay,
"a sum that is substantially more than what
the law requires with respect to payment
of separation pay."
Your Honor, totoo pong malaki ang halaga ng
separation pay na tinanggap ko, ito po ay sa
dahilang ang RETIREMENT PAY ko ang
pinakaalaman ng SHELL, at ni G. Rico Bersamin
na ginawa nilang pambayad sa aking separation
pay, ito po unlawful at labag rin sa sinumpaan
niyang tungkulin ang gawaing pagtataguyod
rito ni Atty. Raul Quiroz.Sa pagtataguyod po ni
Atty. Raul Quiroz ay inilakip niya sa kanyang
Position Paper ang isang dokomento na
minarkahan niyang Annex "5" na kung saan
makikita ang mga datus kung saan nagbuhat
ang tinanggap kong separation pay.
SHELL position paper Annex 5
Separation Pay with data showing retirement
Your Honor, please, sa higpit na pagtataguyod ni
Atty. Raul Quiroz sa labag sa batas na pagkilos
na ito ng SHELL at ni G. Rico Bersamin ay
Ipinagdiinan muli ni Atty. Raul Quiroz sa
REJOINDER p.4 No. 9, na tinanggap at aking
ine- encashed ang naguumapaw na separation
package na Dalawang Milyon Pitumpo at Limang
Libo Walong Daan at Siyamnapo at Tatlong
Piso at Dalawumpo at Pitong sentimos
(P 2,075,893.27)
Your Honor , please, sa tindi po ng pagtatanggol
sa labag sa batas na ginawa ng SHELL at
G. Rico Bersamin ay idinagdag pa ni
Atty. Raul Quiroz ang isang photocopy ng
Manager's check ng Bank of Philippine Islands
Check No.0000612604 sa nabanggit pong halaga
at minarkahan ni Atty. Raul Quiroz na Annex "8"
ng kanyang REJOINDER, bilang
patunay ng pag encash ko ng checke.
REJOINDER
Annex "8"Check photocopy
Separation Pay Check
Your Honor, please, nakurakot po ang
RETIREMENT PAY ko ng SHELL at
ni G. Rico Bersamin, dahil sa tulong at
pagtataguyod ni Atty. Raul Quiroz
sa gawaing labag sa batas.Kaya po ang
hiling ko tanggalin si Atty. Raul Quiroz
sa listahan ng mga abogado.
Karapatdapat lang po na alisan ng
karapatang bilang abogado si
Atty. Raul Quiroz sa kanyang pagtataguyod
ng gawang labag sa batas at pandaraya.